"Nag e-exist siya sa lahat, nag e-exist siya sa lahat Tapos yun, yung ano eh, Yung love? Siya yung ano eh, Siya yung nag e-exist sa lahat na— sobrang totoo Sobrang totoo. Kapag nag mamahal ka Talagang ano ehh, Grabeng yung, yung Kayang gawin" Andami kong pinagdaanang kahirapan Napakadami kong pinag lalabang kayamanan Hindi ko na malayang ako pala ay yumayabong Kada sambit ng pangalan, sinasabi nila'y yumayabang Mahal parin kita, kahit ganyan ka mag isip 'Wag kang mag alala, hindi nalang ako iimik Ako ay mananahimik nalang dito sa may likuran Malaya na makikinig kung sino sa harapan May tamang panahon para ako'y mag salita Pangakong sa oras na 'yon, hindi na'ko mababalisa-- sa ngayonn Kailangan ko muna na mag pahinga, kailangan ko ng nguyain mga Tira-tirang tinga Sa pagkataong kong, minsan alam mo ng materyal Na kamunduhan na kakaibang, Oo kakaiba pakinggan mo Ang aking tinig kasama mo Sa lakbay mong pag gusto mong manahimik 'Di ko akalain, ang kalayaan mahahawakan 'Di ko akalain, ang kalayaan pagmamahalan Pinagpatuloy ko lang [Pinagpatuloy ko lang Kung anong nasimulan [Kung anong na simulan Etong ngayon magaan, pinunan ng pagmamahal Ang bawat mga patlang Dati-rati tinatanong ko ang sarili Hanggang kailangan nga ba ako sa mundo mananatali Hayon, wala nako masyadong na pakielam Nag eexist nalang sa'kin ay pag mamahal Tawagin man nilang praning Gagawin parin ang mga dapat gawin Nabuhay ako dito para hindi maging pabibo May misyong ako't motibo ko lahat ay positibo Ba't ako matatakot sumulat ng mga tula Hangarin ko lang naman ay pag-ibig ano ang masama Alam kong may mapapala ako sa'king ginagawa Pero sapat na sakin ang makita kayong masaya Pag malungkot bigyan mo muna ng katahimikan Ang sarili mo normal sa buhay natin yan kaibigan Kaya ako nandito, hindi dahil nandyan ka Biro lang, andito 'ko para magpasaya 'Di ko akalain, ang kalayaan mahahawakan 'Di ko akalain, ang kalayaan pagmamahalan Pinagpatuloy ko lang [Pinagpatuloy ko lang Kung anong nasimulan [Kung anong na simulan Etong ngayon magaan, pinunan ng pagmamahal Ang bawat mga patlang