Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay Isipin mo palaging may pagmamahal Na bukod tanging inaalay sa iyo ng Maykapal Kung iintindihan lang natin ng lubos ang pagkabuhay Edi wala na sanang nasasayang pa na buhay Walang hayop o kaybigang magdurusa't pighati ay Mapapawi rin agad lunasan natin ng ngiti Pag mamahalan tangi nating kailangan Hindi nating kailangan na magaway maglamangan Ang maglaban ay walang patutunguhan kundi ang pagkasawi Ng mabubuti na binhing sa puso ay nakatanim Marami ang nagtatanong kung bakit daw ako ganto Kapayapaan at pagmamahalan ang handog Sagot ko lamang gusto ko lang malaman niyo Kung gaano kalawak ang bitbit niyong kamalayan At marahil ito lang din ang meron dito sa pinakaloob Ng pagkatao kong minsang nilamon ng mga kutob Ngunit nalaman ko na ang kalayaa'y Nakasalalay lang pala sa aking kaalaman Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay Mundo ay magbabago paglipas ng panahon Ang alaala ng kahapon sa isip nakabaon Mananatili sa memorya ang ating nakaraan Ngunit hinding hindi na maari pa na mabalikan Madagdagan pa sana ng panibagong yugto Ang pahina ng buhay natin na tila isang libro Merong wakas may umpisa lahat ay may hangganan Sana ay mamuhay kang malaya bago ka lumisan Sa mundo sikapin mong lagi ang magkasundo Ang 'yong damdamin at isipan ilayo mo sa gulo Panatilihin mong nakaduyan ang kamalayan mo Sa nagiisang tahanan ng iyong kamusmusan Wag mong hayaan na galit sa isip ang mamuthawi Mapayapang pagkatao dapat ay bitbit mo lagi Bukod tangi ka na nabubuhay sa sanlibutan Walang katulad ang dala dala mo na pagmamahal Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay Sige lumayo, lakbay ang buhay At kung madarapa, wag ka maumay