Kahit nahihirapan Kahit nahihirapan, aagapan ang kaganapan Kahit nahihirapan, aagapan ang kahanapan Guddhist Kung san man to humantong wala akong pake Ang mga galit ay akin nang isinantabe Puro pasakit sinapit, tanong ko lagi ay bakit Maya't maya kumakatok ang mga pighati Gusto ko muna na makahinga Baka pwede namang magpahinga Sa bisig mo pwede ba pahiga Gusto ko lang naman na maranasang sumaya Kahit na mabilis lang, pwede mo ba pagbigyan Wala akong magagawa kung ayaw moko bigyan Nang pagkakataon kung aking maibabalik lang Ang bawat panahon siguro di ko na titikman Ang mga bagay na nagdulot lamang sakin nang saket Pero kasama sa proseso yun kaylangan tanggapen Kailangan ko na matutunan ang sarili mahalen Ganon paman salamat sa mga aral mo na hated karanasan Kahit nahihirapan, aagapan ang kaganapan Kahit nahihirapan, aagapan ang kaganapan Polo Pi Kinakaya ko parin naman lahat Sinabi ko sa sarili ko na ito ay paangat Hindi lagi ang kalagayan natin ay mabigat Pana-panahon lang yan alam ko na dadaan Minsan di mona alam kung saan ka hahantong Intindihin mo parin ang buhay na parang bugtong Nasa'yo ang disisyon kung ano ang kadugtong Mag patuloy ka parin kahit na parang pagong Naalala ko noon dala-dala hanggang ngayon Umiiyak na mag isa sawang-sawa na sa kahon Binubuhos tinutuon ginalingan taon-taon Kaya ito ako matibay pulido ang pundasyon Pero wag pakomportable sa mga binabato Pag tibayin ang sarili liwanagan ang noo Tumingin sa totoo kapag isip gulong-gulo Marami sa'yo pipigil kaya wag ka hihinto Luci J Pag ibig nag tanim sa mga bawat buto Heto pinapalago hanggang sa makalayo Nag silbing daanan sa pag tanto may araw na hirap to Ganon pa man inisip ko nalang parte ng mundo Na nilalakaran hadlang ay iiwasan Gusot ay lulunasan lahat mararanasan Kase tao ka normal ang mangapa ngapa Sa umpisa; resulta ay makakamtan Huminga mag patuloy mag ingat Pagiging kalmado ang lagi kong kaakibat Sa mga araw na dumadagdag ang aking mga buhat Tinanaw ko nalang to lahat na parang isang sugat Mag hihilom din lahat at lilipas din Balang araw ito naman ang tatanawin Kung pano naka panhik byahe nakakasabik Sa dulo, may punto parin ang mananaig kasi Kahit nahihirapan, aagapan ang kaganapan Kahit nahihirapan, aagapan ang kaganapan