Kishore Kumar Hits

J-Lhutz - Papalarin şarkı sözleri

Sanatçı: J-Lhutz

albüm: Papalarin


Balang araw papalarin, mabigat man ang pasanin
Lalaban ng patas kahit na medyo alanganin
Kakayanin ko ang mga suliranin
Dahil sa mga pangarap na kailangang kunin
'Lam ko may mapapalarin
Dasal lang at panalangin
Lahat to ay susuungin
Bagyo man lakas ng hangin
Minsan parang ayoko nalang magtrabaho
Gigising ng maaga biyahe sa malayo
Tapos pagtanggap ng sweldo
Ubos agad 'di na umabot ng asingko
Hindi nalamang nagpapadala
Kaya sinantabi ko nalang muna ang ngawa
Dahil wala naman para saakin gagawa
Tinitiis na muna at aking tinatiyaga
Papagalitan pa ng boss ko, kasi naipit sa buss uh
Kaya na-late sa hours ko
Nako bawas pa tuloy to sa pambayad ng mga bills ko
Sakit sa ulo ohh
Pero hindi pwede walang mapala
Kaya naman sinasagad ko ang bawat minuto
Balang araw lilipad din
Tayo paangan na parang crypto
Mataas mang hagdan
Ay aking aakyatin
Malubak na daan
Ay hindi iindahin
Balang araw papalarin, mabigat man ang pasanin
Lalaban ng patas kahit na medyo alanganin
Kakayanin ko ang mga suliranin
Dahil sa mga pangarap na kailangang kunin
'Lam ko may mapapalarin
Dasal lang at panalangin.
Lahat to ay susuungin
Bagyo man lakas ng hangin
Aminadong hirap akong punan
Ang mga panganga-ilangan
Gaya nila hindi nga lang masyadong halata
Kasi pinapalagan ko mag-isa
Ang mga pagsubok na parang may halong bubog
Kapag tumarak sa laman nakaka durog
Katawan palaging bugbog
Minsan puyat pa maghapon wala pang tulog
Kaya ginagalingan, sinasabayan ko lamang
Ang hamon ng buhay sige lang
Walang hihinto deretyo ka lang, patuloy ka lang
Hanggang sa makamtan mo ang inaasam
Yung mga hindi naniniwala yaanan mo na
Gulatin mo nalang kapag nandun kana
Basta wag kalimutang magpakumbaba
Lupa sa paa upang hindi ka mahila paibaba
Mataas mang hagdan
Ay aking aakyatin
Malubak na daan
Ay hindi iindahin
Balang araw papalarin, mabigat man ang pasanin
Lalaban ng patas kahit na medyo alanganin
Kakayanin ko ang mga suliranin
Dahil sa mga pangarap na kailangang kunin
'Lam ko may mapapalarin
Dasal lang at panalangin
Lahat to ay susuungin
Bagyo man lakas ng hangin
Balang araw papalarin, mabigat man ang pasanin
Lalaban ng patas kahit na medyo alanganin
Kakayanin ko ang mga suliranin
Dahil sa mga pangarap na kailangang kunin
'Lam ko may mapapalarin
Dasal lang at panalangin
Lahat to ay susuungin
Bagyo man lakas ng hangin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar