Kishore Kumar Hits

1096 Gang - Matsalab şarkı sözleri

Sanatçı: 1096 Gang

albüm: Matsalab


Yow
Maraming salamat sa inyong lahat
Mula sa 1096
Labis namin kayong minamahal
Salamat sa inyong pagmamahal
Kahit na anumang sakuna
Lahat makakaya
Kapit lang wag kang mag alala
Basta sama-sama
Kung minsa'y parang madarapa
Parte yun diba
Kapit lang wag ka mag padala
Oo nga naman
Kapit lang anumang sakuna ito ay tatawid
Ano mang baliko wag ihinto itutuwid
Kung lumiko wag malito ito'y mahahatid
Pauwi at pabalik, pag ibig ang mananaig
Sa daming umaakay salamat hindi nangalay
Pagabot nyo ng kamay gintong galaw ang maaalay
Musika ang ka-agapay panahon na madilim
Taimtim mong sinubukan tagumpay ikaw salarin
Wag mo lang iindahin tayo din ay darating
Sentro puso mo sa gusto konektado sa maging ikaw
Wag ka lang bibitaw sayong natatanaw
Patuloy ka sa byahe ang tagumpay ay ikaw
Marahil dami ngang nagbago simula palang nung simula
Siguro nga andito na kala wala wala lang
Kala nawawala na sa pag gagala, ah
Daming napapala, nakilala't katuwa
Ilan lang katuwang panahong laging lutang
Nag lilibang libang na parang nahihibang
Buti sa pagtapik agad nakabalik
Sa isang kalabit lahat naka panhik
Sagad, agad layag hirap ipreno
Kaya eto bweno tapos na bumwelo
Pumapareho kaya kami naki terno
Liit na bagay makibagay 'la nang pero pero
Kahit na anumang sakuna
Lahat makakaya
Kapit lang wag kang mag alala
Basta sama-sama
Kung minsa'y parang madarapa
Parte yun diba
Kapit lang wag ka mag padala
Oo nga naman
Kahit ano mang dami ng suliranin
Di pa pipigil pa titibag na damdamin
Nag iisa ang aking grupo sa hangarin
Ngayon sigurado sa likha papalarin
Tagumpay namin ay tagumpay ng mundo
Maharlikang paghubog sa iyo ay bubuo
Wag kang papipigil isulong mo ang totoo
Darating din ang araw huhupa na mga gulo
Masaya akong makitang masaya kayo
Hindi lang labi nakangiti pati mata ko
Pag-asa natin sa kultura muling itayo
1096 sa musika yan ay ang simbulo
Daming pagsubok sinalo mga pasa
Kit sa mundo, tinatamo mga pasa
Tanaw mo sa mata 'king mga nadarama
Di na dapat pang sabihin kung alam mong magbasa
Pero di ka nawala no'ng wala 'kong magawa
Nagpatangay lamang sa hangin sabay tayong nawala
At lumaban hanggang sa tuluyang makawala
Sa kulungan mapanira nanghihila pababa
Kaya salamat sa pananatili aking kaibigan
Lagi kang nasa tabi di na kaylangan pang sabihan
Dating mabisyo bumalik na nga sa wisyo
Di na 'ko ngayon perwisyo musika kina adikan
Matagal tagal na din muli nung huling pagkikita
Wala na kong balita sakeng mga kababata
Sobrang dami nang nagbago pagtanaw sa salamen
Halos di ko makilala yung sarili ko mamen
Ang bilis ng oras ang bagal ng panahon
Dating nakaposas dati ring nakakahon
Pero sayong pag alis dadating yung panahon
Na mababago mo lahat ng pagkakamali noon
Mahirap man
Ano mang mangyare o kahinatnan
Walang dapat katakot manindigan lang
Sa dulo bahaghari ay makakamtan
Kahit na anumang sakuna
Lahat makakaya
Kapit lang wag kang mag alala
Basta sama-sama
Kung minsa'y parang madarapa
Parte yun diba
Kapit lang wag ka mag padala
Oo nga naman
Kahit na anumang sakuna
Lahat makakaya
Kapit lang wag kang mag alala
Basta sama-sama
Kung minsa'y parang madarapa
Parte yun diba
Kapit lang wag ka mag padala
Oo nga naman

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar