Buong akala ko noon hindi kona magigiba Tigas ko na kokote diko na maiiba Andaming pangyayaring pwede ko ikawala Yeah salamat sa mga kaibigan ko at musika Nagsilbing gabay, sa tuwing lutang ang isip Lumalapag kayo ng di nagdadalawang isip Sinasagip ako kapag ako'y nalilito Isa kayo sa dahilan kung bat ako naririto Hanggang ngayon, malinaw parin saking alaala Yung mga pangyayaring diko kaya ilathala Bahala na ang panahon na magtadhana Sa mga bagay na hinihiling ko kay bathala Ang sarap lang na isipin, dina mainipin Di na kailangang kapalaran ay habulin Ginagawa kona ngayon lahat ng malikhain Nakakamit kona lahat ngayon ng para sakin Dami mang rason basta kunin nalang Galawan nasa harap gang' makuha yan Gagawa ng gagawa hanggang sa bumakat Paandarin na yung pangarap pagpatuloy lang Byahe kung saan saan dami ng nalagdaan Gamit ang mga kamay, boses pinakawalan Puso bawat sulatan dunong na pangkalawakan Usad ka lang dahan-dahan gang' resulta mahawakan Kasi di rin madali talaga sobrang hirap Hinagilap lang yung sagot sa patlang pagkadilat Nung gumising sapat na at nakita ng mata Bago ko makuha hinagilap di lumuha Kasi di rin madali talaga sinisikap Meron kapalit yung galaw pinupuro sinisipat Binuo isa-isa ngayon ay di na matinag Di mabilang na pagkilos lakad hanggang makausad Dami ng nagbago't nag-iba Mga nawala sa linya't nalihis Nasan na lumipad, tumalon Di pa man ngayon bagong taon Bagong tao na at di na gaya noon Nangangarap palang, parang timang Di ka naniniwala kase di pa alam Kung para saan ba tong sinusugalan Kahit wala ring alam kung anong pupuntahan Matagal mahaba narin ang byahe Wag ka sana mainip kung di madale Parang dati lang hindi ako kasali Walang pumapansin ni hindi mabati Naggagala dati na laman ng kalye Balik tanaw nung ako lumalagare Ginagawa ang pangarap dinitalye Hindi sa pa-urong ang isip naka base Mga suntok na aking iniwasan, sinalo Lumayo sa pag ganti kahit ako ay binato Halo-halo ang makikita sa mata ko Pabago-bago ang galaw para makuha to Tinanggap ko lahat mga galit at pangaral Dinala ko naman para iwas sa banggaan Kinamay hinimay binukod ko ng lagayan Sinala aking sitwasyon na hinahawakan Madaming bagay mga nais Sip ko na magiging tila labis Hanggang sa saangyon kikilatis Sa ngayon di mawari, di lahat dapat ibabahagi Dinadaan sa biro at kunwari ayos lang lahat Maaayos din yan sa pagkat nairaos at natapos ang bigat Gumaan buong pangkat Dahan-dahan din inaangat Estado dati lagi ay salat Ngayon sabik sa sarap Nakamit lahat gamit ang rap Dina bale dinadali din agad Di sinabe't makikita mo nalang Tila grabe na mga inaasam Kita mong nahihirapan di sumuko Ngayon grasya dumagsa at sinusubok Di nato basta takam na mapasubo Masaganang buhay hanap sunod luho Dami ng nagbago't nag-iba Mga nawala sa linya't nalihis Nasan na lumipad, tumalon Di pa man ngayon bagong taon Bagong tao na at di na gaya noon Nangangarap palang, parang timang Di ka naniniwala kase di pa alam Kung para saan ba tong sinusugalan Kahit wala ring alam kung anong pupuntahan Lahat yan lutas kahit ang bulsa butas nanatiling malakas (hmm) Nakasilip sa hiwaga naligaw-ligaw na rin sa mga mali't tama (yeah) Lahat yan lutas kahit ang bulsa butas nanatiling malakas (hmm) Nakasilip sa hiwaga naligaw-ligaw na rin sa mga mali't tama (yeah)