Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama Nag-aantay pa rin sayong pagbabalik Kahit sandaling oras lang ako'y nasasabik Sa tuwing wala ka sa tabi sa gabing nanlalamig Hinahanap ko ang yakap mo't halik na walang mas dadaig Kahit na minsan lamang tayong magkasama Mag-aantay lamang ng tawag hindi ako magsasawa Kahit na alam kong sa puso mo ay may nagmamay-ari Masaya ako kahit na mali na nagdampi ang ating mga labi At kung minsan hindi mo na ko nagagawa na kausapin Makauwi ka ng ligtas yan ang lagi kong pinapanalangin Mahalaga sakin ang tulad mong tunay kong kaligayahan At sa araw-araw kong pamumuhay ikaw ang aking kailangan Pag ika'y umaalis hindi ko matiis na hindi humingi ng kiss Pero sana pag namiss kita pwede bang umuwi ka na agad please Para makausap pa kita bago ka matulog kahit sandali manlang Kasi masaya ko pag nangyari yun kahit sandali man yan Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama Lagi na lang nag-aabang tuwing gabi habang ika'y walang pakialam Nasan ka ba di ko alam, Ang makalimot sa mga pinangako bakit parang ganon na lang Para sa akin ay ikaw pa rin ang syang nag-iisa Kahit ikaw ay nagkulang na sakin di ko nagawang humanap ng iba Ang yong pagtingin at paglalambing tila tuluyan na ngang nag-iba Kahit magkatabi na tayong dal'wa ay parang hindi na kita madama Anong nangyari na ba satin di ko to lubusang akalain Kala ko sasang-ayon na sa atin ang tadhanang nag-iba ihip ng hangin Di ko na malaman kung meron pa bang patutunguhan Ang lahat ng to kasi di ka naman sumasagot pag tinatawagan Baka pwede kahit na isang gabi Ay muli kang makasama Umuwi ka na kasi Pag di na kayo magkasama ay tawagan mo ko sana Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama Kamusta ka na asan ka, gusto ko lang malaman kung ayos ba Makapiling, makasama't makasiping ka, Kahit na pangalawa lang ako sa kanya Nandidito pa din ako pag nabitin ka sa halik ng sandali at yakap nya Hanggang sa maipadama ang init at ligaya na di mo mahanap sa kanya Wag kang magmamadali susulitin bawat oras Sa aliwin ngayong gabi hanggang marating ang bukas Dito ka lang saking tabi easy ka lang wag mapakali Mga lungkot sayong labi asahan mo papalitan ko ng ngiti At sasabay sa agos wala ng balak na matapos pa Dahan-dahang tumatawa habang ang mata natin ay singkit at namumula Pangako na hindi ka hahayaan na magsisi pa Kaya sa akin ay tumawag nalang pag hindi na busy uhh Handang punan ang pagkukulang nya, ako ang sandalan at unan sa Oras kung sakaling iwan ka, kaya wag ng magdalawang Isip kung sakaling pupunta ka, Pahahalagahan ang bawat minuto ng sa ganon ay bumalik ka Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkausap Tawagan mo na lang ako pag di na kayo magkasama Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong mag-usap Tawagan mo na lang ako pag pwede na tayong magsama