Iba't-ibang paniniwala Iba't-ibang katanungan 'Di mo na malaman, sino ang may tangan Nang ginintuang karunungan? Ginawa ng iba na kabuhayan Habang bulag ang sangkatauhan Ilang beses na rin pinagmumulan Ng malawakang digmaan Mga maskara na pang doble kara Istoryang binago ng bulaang tindera Maraming putaheng hinain sa mesa Lahat ay may kanin at saka atchara Bawal kumain ng nakakutsara Sundin ang sinabi ng iyong maestra Dapat mong gawin ang alituntuning Nakasulat sa pisara Bakit ka nila huhusgahan? Kapag taliwas ka sa aral nakagisnan Kahit pag-ibig pa rin naman ang 'yung Madalas na kinikilingan Maraming nag-aabot sa kalangitan Wala silang paki-alam Naging hagdan ang muka ng kapatid Na kanilang lagi na tinatapakan Laging sinabing sila ang ligtas Laging sarili ang nakatuklas Na pinagpala sa lahat ng antas Wala silang butas sa banal na batas Oh, Bathala Kaninong puno ba ko talaga maniniwala? Sa gitna ng debate ng paniniwala Malalaman ba kung sinong nagkakasala? At pano kung, iisa naman ang ating hangarin? Magkaiba lang ng sambit ng dalangin Pag-asam sa sarili na palarin Nalimutan na kung pano siya tawagin Buksan ang isip, magsaliksik Gisingin ang diwa sa panaginip Hitik na hitik, lamon ng inip Sa kaganapang hinintay na Kahit na kami na pilit, aral na pikit Bulag ang mata ng tagapakinig Isa ang panig sa bawat silid Pagmamahal ang kapalit ng pait kaysa sa langit