Matagal na 'kong mulat Sa ganitong larangan Iba ang tunay Sa nakikita mong larawan Napaligiran Pekeng kaibigan Nand'yan lang palagi Kapag meron na'ng kailangan 'Di ka papakinggan Sarado ang isipan Kailangan may makuha muna Bago ka tulungan Parang tren lang ng pinas 'Yung bunganga lagi na'ng may sira Sa harap wagas May paghanga pagtalikod may tira 'Di mo halata Malupit kung siya'y makisama Sanay na 'yung muka Magpalit para 'tong artista 'Di siya masaya kapag ikaw ay umabante Kung pagsabit ay yaman doon s'ya ay galante Parang uso lang na teleserye mahilig mangbaba Ewan ko ba kung bakit 'yan yung tipo n'yang diskarte Tinuring mo na kababata Itatrato kang piñata Hihilahin pababa Nang may mahulog at makuha Parang surot sa may kama 'Di mo basta makikita Kakagat ng palihim Peste kung makapinsala Nakakapagod lang din makisama Sa mga wala ng pakisama Nakakapagod lang din makisama Sa mga wala ng pakisama Lagi mong libangan na ako ay husgahan Mga pinagdaanan at naramdama'y 'di mo naman alam 'Di mo naman ako naiintindihan Mga opinyon mo ay pawang puro pangsarili lang Pakinggan ang mensaheng sa'yo tatama 'Di mo ba nakikita yung mga tama Biktimang maling tamang paniniwala Tinamaan ng makasariling pag-unawa Mali man ako sa'yong mga nakikita Malinlang sa narinig na mga linya Malinis ang ginawa ko na pagtira Maliwanagan ka sa pagtila Lagi mong libangan na ako ay husgahan Mga pinagdaanan at naramdama'y 'di mo naman alam 'Di mo naman ako naiintindihan Mga opinyon mo ay pawang puro pangsarili lang Matagal na 'kong mulat Sa ganitong larangan Iba ang tunay sa Nakikita mong larawan Matagal na 'kong mulat Sa ganitong larangan Lahat may utang na loob Pero 'di lahat kayang mag-bayad