Ang awit na ito'y inaalay ko sa mga biktima ng ating lipunan Mga nilamon ng sistema, ating pakinggan Mayro'n akong kakilala, ang pangalan ay Pamela Naghahanap ng trabaho, lumuwas s'ya ng Maynila Ako'y nag-alala sapagkat hindi n'ya nalalaman Na ang buhay sa Maynila ay hindi basta-basta lang Mga buwitre ang nagliliparan Lumilipad sa may siyudad, nag-aantay na lamang Bubot at inosente, batang-bata, wala pang 20 14 anyos lang at marami nang kliyente Niloko s'ya ng recruiter, hinamak at winasak Ang kanyang kinabukasan ay tuluyan nang nawarak NIlamon, yeah Nilamon, whoa Ng sistema, yeah Ng sistema, whoa Eto naman ang 'storya ng isang batang galing sa broken home Batang-bata pa, kawawa naman, it goes like this Ito naman ang istorya ng 'sang batang gumagala Sampung taong gulang pa lang at kahina-hinala Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si Itay At s'ya'y pinagbuhatan ng kamay Si Inay, nagsusugal doon sa Mahjong-an Napakasakit kapag walang humahagkan Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan D'yan sa kanto, sumasama kahit kanino Isipin ninyo kung sino ang may sala dito NIlamon, yeah Nilamon, whoa Ng sistema, yeah Ng sistema, whoa Eto naman ay tungkol sa mga kababaihan nating nagpapakahirap Kung tawagin natin ay Japayuki, para sa kanila 'to Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan Patungo sa ibang bansa, saan? Sa Japan Matulungan lamang maiahon sa kahirapan Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang Ilan sa kanila ang umuwing luhaan Inabuso, minaltrato at saka sinaktan Tigilan na ang ganitong paraan Ng pamumuhay ng ating kababaihan Masisisi ba sila o dapat kaawaan? Kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan? NIlamon, yeah Nilamon, whoa Ng sistema, yeah Ng sistema, whoa Ng sistema Ng sistema, yeah Ng sistema Ng sistema, whoa Nilamon