Hinagpis ng lahi sayo binuhos Luha'y tumulo dugo'y umagos Saksi ang langit sa mga pasakit Kung sino-sino ang mga gumamit Inapi ka inano ka sinaktan pa, Bakit sino ba sila? Nanumpa ng tapat sayo Sa papel laman at tsaka dugo Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw Sa ilaw na hatid ng pagsilab ng araw Sa bawat katerba ng balingaw Kalayaan ang isinisigaw () Watawat kay gandang tingnan Watawat sa kalangitan Watawat itaas mo yan Salubungin ang kaarawan ng bayan Watawat idad ay isang daan Watawat makulay ang nakaraan Watawat itaas mo yan Ipagdiwang natin ang ating kalayaan Bughaw ang kulay ng katarungan, Kapayapaan at katotohanan. Pula naman ang kulay ng kagitingan, Katapangan, pagkamakabayan. Puti naman ang kulay ng kalinisan Na tayong lahat ay pantay-pantay lamang At ang sinag ng araw na kulay dilaway ang walong lalawigan na lumaban noong araw Batangas, Bulacan at Laguna sa Nueva Ecijaat Pampanga Maynila, Cavite, Lalawigan ng TarlacIpagtanggol ka lamang oh mahal kong...(repeat)Tatlong Bituin at isang araw Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw Salubungin ang kaarawan ng bayan Ipagdiwang natin ang ating kalayaan Itaas mo yan, itaas mo dyan Ipantay ang badila ng bayang sinilangan Alab ng puso sa dibdib ay buhay hanggang mamatay Kahit kanino sasabay Sana maintindihan at mabigyang pansin Suriin natin ang istorya ng bandila natin Ang diwa sa disenyo sa mga nagtahi nito, Nag-isip nito, nagtaas nito, nagtaas noo. (Repeat 3x) Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija, Cavite, Maynila, Pampanga, Tarlac.