Tsismis ni kumare, talo pa ang sine Mayro'ng number two raw itong si kumpare May pakpak ang balita, may tainga ang dingding Wala pang sikretong 'di makakarating Puro pangako, laging napapako Wala namang nangyari ngayong nakaupo Sa pulitika, puro pambobola Ang ating pag-asa, hindi tuloy makuha Hindi man maabot ng aking isipan Nakikita ko sa kapaligiran Wala na bang natitira pang nilalang Na magbabago sa kasalukuyan? ♪ Ang mga buwaya, nagkalat sa kalsada Mga walang patawad basta't tungkol sa pera Wala nang lisensya ka pang ibibgay Absuwelto ka na basta't may lagay Kay raming manananggal, gabi lumalabas Sila'y naglilipana, manananggal ng lakas Sino'ng susunod? Tayo'y mauubos Sigaw ng mga tao, "Ipako sa krus" Hindi man maabot ng aking isipan Nakikita ko sa kapaligiran Wala na bang natitira pang nilalang Na magbabago sa kasalukuyan? ♪ Nagising sa ingay, away ng kapitbahay Kahit matagal na, hindi pa rin masanay Maliit na bagay ay pinalalaki Ngayo'y nagsisisi kung kailan pa huli Itong kasalukuyan, hindi kinabukasan Kung 'di na uulitin lahat ng kamalian Tayo ay magsama, huwag nang bibitiw pa At baka maiwan kang nakatanga Hindi man maabot ng aking isipan Nakikita ko sa kapaligiran Wala na bang natitira pang nilalang Na magbabago sa kasalukuyan?