A-beinte k'watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay Iipunin ang bigay para mamaya may tagay Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awitin at simoy ng hangin O karoling simbulo ng pagka-inipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating ♪ Habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso 'Pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya Okey lang kahit patawad o inumin na lapad Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awitin at simoy ng hangin O karoling simbulo ng pagka-inipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating ♪ Ang aming pagbati sana ay manatili Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko