'Paririnig sa 'yo sa 'pag dating mo sa mundo Ang katahimikan, malayo sa gulo Sa inosenteng mga mata, aking ipapakita Wala ang kaguluhan, walang pangangamba Humawak ka lamang sa aking kamay Nang matuklasan ang ganda nitong buhay Iingatan ka, 'di pababayaan Gabay mo ako sa iyong kapaligiran Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon Malayo sa dilim ng kahapon Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon Mga batang naglalaro lang maghapon Simoy ng hangin, sari-saring tanawin Paligid na iyong tatahakin 'Pagka't walang sawa kitang aarugain Sa paraisong pinaglalagyan natin 'Padarama sa iyo upang mahubog ng husto Ang kabutihan sa kapwa tao At sa mura mong isipan, dapat nang malaman Na may Diyos tayo na pasalamatan Humawak ka lamang sa aking kamay Nang matuklasan ang ganda nitong buhay Iingatan ka, 'di pababayaan Gabay mo ako sa iyong kapaligiran Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon Malayo sa dilim ng kahapon Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon Mga batang naglalaro lang maghapon Simoy ng hangin, sari-saring tanawin Paligid na iyong tatahakin 'Pagka't walang sawa kitang aarugain Sa paraisong pinaglalagyan natin Humawak ka lamang sa aking kamay Nang matuklasan ang ganda nitong buhay Iingatan ka, 'di pababayaan Gabay mo ako sa iyong kapaligiran Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon Malayo sa dilim ng kahapon Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon Mga batang naglalaro lang maghapon Simoy ng hangin, sari-saring tanawin Paligid na iyong tatahakin 'Pagka't walang sawa kitang aarugain Sa paraisong pinaglalagyan natin