Pag-ibig ba ang tawag sa iyong ginagawa Hanggang gamitin ang mahirap para lang makilala At sa twing tutulong ka kailangan ba ang ma dyaryo At makita ka sa tv o marinig pa sa radyo Hindi nga masama ngunit ito'y panunumbat Na sa puso ng marami ay lubhang sumusugat Ba't di mo lingonin kung saan ka nga ba nagmula Isusubo na lang nila inaagaw mo pa Mayaman ka na nga lalo ka pang nagpapayaman Sila pang mga mahihirap ang iyong tinatapakan Ang kapangyarihan mo'y ginagamit sa di tama Di ka ba nahahabag sa itsurang kaawa-awa At kapag napansin ka umaalma ka kaagad Daig mo pa ang eroplano sa tayog ng yong paglipad Ang iyong kahangalan tigiltigilan mo na pare At sa impyerno'y malakilaki pa ang nakabakante Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan Kayamanan mo'y di madadala sa kamatayan Gawing makabuluhan ng makahaon ang taong bayan Hoy, nakikinig ka ba? O nagbibingi-bingian ka? Hoy, nakakatulog ka pa ba? Ah, bangungutin ka sana Masdan mo ang sinapit ng ating kapaligiran Na sinira ng sistema mo ang natatanging kalikasan Ngayo'y nadamay ang mga walang malay na tao At ika'y nangingisi pa na parang nakakaloko Dahil ba sa mapapansin na namang muli ang 'yong pangalan? 'Di ka ba nagsasawa sa paggawa ng kamalian? Bumango man ang pangalan mo mahirap tanggapin Sa aming paningin, 'tang-ina, mabaho ka pa rin Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan Kayamanan mo'y 'di madadala sa kamatayan Gawing makabuluhan ng makaahon ang taumbayan