Kuwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran na mayro'ng pikunan
Lalo na rin ang unang niligawan, unang kabiguan
At diyan na seseryoso ang usapan, ang pagdadamayan
Ng tunay at tapat na kaibigan, oh, mga buang
Kaibigan, lubhang maaasahan, oh
'Di na tayo pabata, edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip, unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n, barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita, tiyak may kuwela, 'yan ang aking mga tropa
♪
Inuman na pangmagdamagan
Minsan, inaabot pa ng ayaan na kung saan-saan
Na para bang walang kinabukasan at kahahantungan
At diyan na seseryoso ang usapan, ang pagpapayuhan
Ng tunay at tapat na kaibigan, oh, mga baliw
Kaibigan namang nakakaaliw, oh
'Di na tayo pabata, edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip, unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n, barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita, tiyak may kuwela, 'yan ang aking mga tropa
♪
'Di na tayo pabata, edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip, unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n, barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita, tiyak may kuwela, 'yan ang aking mga tropa
'Di na tayo pabata, edad ma'y 'di nahahalata
Sa mga trip, unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit gano'n, barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita, tiyak may kuwela, 'yan ang aking mga tropa
Поcмотреть все песни артиста