Kishore Kumar Hits

JEBeats - Sorry Na şarkı sözleri

Sanatçı: JEBeats

albüm: Sandalan Ng Aking Nadarama


Sana'y pakinggan ang sigaw
'Di sinasadya na masaktan ko ikaw
Kailangan ka makapiling
Kaya patawad po, aking binibini
Iniibig kita kahit balibaliktarin ma'y gusto kita, ha-ha
Yeah, mga nagawa ko na pagkakamali
Ating liwanagin ng maisantabi, uh
Alam ko naman na hindi talaga madali sa'yo
Na tanggapin muli ang malaking paumanhin ko
Kahit ano pang gawin kong pagsuyo
Namanhid na siguro ang puso mo
Na dating kay tamis
Ngayon ano na?
Sadyang nagbago ka na ba?
Kaya parang hindi mo na madama
Na nasasaktan ako, kapag naaalala ko na nasaktan kita
Tapos ngayon parang wala na lang ako sa'yo
Wala na lang ako sa'yo
'Yan na lang ba talaga ang tingin mo sa'kin, sinta?
Ganun pa man ay patuloy lang akong mahalin ka
Alam kong nandyan lang ako
Sa loob ng puso mo
Oo, alam ko naman na mahirap unawain
Lalo na't sariwa pa ang galit mo sa'kin, sinta
Sorry na
Sorry na
Patawarin mo na sana ako
Sorry na
Sorry na
Halika na dito sa tabi ko
'Yun ay kung ayos lang sa'yo
Hinihiling sa Diyos na sana ay dumating
Ang araw na sa'kin ka laging nakatingin
Sa'kin ka nakadikit
Magkalapat ang ating mga palad
At pana ni kupido'y nagdurugo sa puso ko at sa puso mo
Bakit 'di ganun kasimple at nalilito?
Bakit gustong lumayo sa piling ko
'Di ba talaga sapat ang pag-ibig ko?
Sana'y unawain mo, binibini ko
Pag-ibig ay nilalabas ngayon sa himig ko
Upang di ka mawala sa paningin ko
Sana puso mo ay 'wag mo nang ililiko
Ginigitara ang awitin na iyong nagustuhan
Muling kakantahin sa'yo kahit palpak naman
Dahil tanging mahalaga ay mapatawa ka
Ang makita kang umiiyak ay masakit, sinta
Sana'y 'di mo magawang ako'y kaligtaan
Puso'y 'wag iiwanan sa kalagitnaan ng daan
Dahil hindi ako handa na lungkot ay maramdaman
Ni minsa'y 'di ko inisip na ikaw ay masaktan
'Wag sanang hilahin sa ilalim ang pag-ibig natin
At hayaan na masira binuong damdamin
'Wag sanang wasakin ang dalangin sa taas
Na sana'y ikaw na nga at 'wag na sanang magwakas
Sorry na (Sorry na)
Sorry na (Sorry na)
Patawarin mo na sana ako
Sorry na (Sorry na)
Sorry na (Sorry na)
Halika na dito sa tabi ko
'Yun ay kung ayos lang sa'yo
Alam kong nandyan lang ako
Sa loob ng puso mo
Oo, alam ko naman na mahirap unawain
Lalo na't sariwa pa ang galit mo sa'kin, sinta
Sorry na
Sorry na
Patawarin mo na sana ako
Sorry na
Sorry na
Halika na dito sa tabi ko
'Yun ay kung ayos lang sa'yo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar