Kishore Kumar Hits

Juan Caoile - Saranggola şarkı sözleri

Sanatçı: Juan Caoile

albüm: Saranggola


Kahit saan pa 'ko dumaan
Palipad o 'di kaya ay pagapang
Bundok o tinik ma'y lalampasan
Sa akin walang makakahadlang
Tuloy-tuloy lang, kahit mahirapan
'Di susuko, wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang, 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap
Ito ang realidad, kahit na ibaliktad
Kailangang magbilad sa araw ay mag inat
Magbatak at magbanat ng buto
Para balang araw ay mas lalo pang tumibay ang ating bungo
Sa pakikipagbuno, meron bang patutunguan?
Wala ding mananalo sa inyong pagtatalunan (Pagtatalunan)
Madaming katanungan, wala pang kasagutan (Kasagutan)
Kapag ka naglabas ka lalo kang pagtataguan (Pagtataguan)
Pagod na rin kasi akong maging panggatong sa ilan
Panahon na rin, upang aking sulo ay silaban
Daming ahas, nakaharang sa dilim na dadaanan
Patay ka talaga, kung meron kang matapakan
Ilaw mo ay paganahin, sandata ay hasain
Sikapin ng maiging aklat mo ay palawakin
Ginto ay 'wag sayangin, oras iyong sulitin
Sa mga bagay na hindi mo na pwedeng ulitin
Kahit saan pa 'ko dumaan (Kahit sa'n)
Palipad o 'di kaya ay pagapang (Kahit pa)
Bundok o tinik ma'y lalampasan (ooh)
Sa akin walang makakahadlang (ooh)
Tuloy-tuloy lang, kahit mahirapan
'Di susuko, wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang, 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap
Sa'king sarili ay palagi na nagtatanong
"Kung masarap ba mag-tuxedo, 'di kaya barong?"
Sawang-sawa na 'ko sa iisang maong
Na galing pa sa pamanang pinagputulan lang ng pantalon
Ngalay ng sumawsaw sa puro init na bagong
Minsan gusto kong maranasan, anong lasa ng lechon?
Papasok ng eskwela, baon lang isang mamon
At tubig na nakalagay lang sa maliit na galon
Sa aming barong-barong nang mapasalamin
Sinabi sa sarili, ano bang dapat gawin?
Para mapunta lang sa nais marating
Kahit ga'no kalayo, t'ya-t'yagain ko na lakbayin
Sawa na kong matalo, ngayon ay nagising
Sinabi sa sarili ko, "Gusto ko, ako rin"
Na balang araw, pangarap ko aking tuparin
Nang maranasan ko pakiramdam ng tingalain
Kahit saan pa 'ko dumaan
Palipad o 'di kaya ay pagapang
Bundok o tinik ma'y lalampasan
Sa akin walang makakahadlang
Tuloy-tuloy lang, kahit mahirapan
'Di susuko, wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang, 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap
Para maka-upo sa opisinang presko
Oh, 'di kaya'y magkaron ng ranggong Sarhento
Kailangang pagdaanan ang mga proseso
Walang mahirap-hirap sa dagang gusto ng keso
Wala ng kesyo, tunaw na nga yung yelo
Lunukin ang aral at tapos na recess mo
Wala ng pero-pero, patunog na nga 'yung bell
Sige lang sa pag abante na parang nawalan ng preno
Sa larong ito ako ang taya
Pagod man ako, 'di pwedeng wala akong gagawin
Pagkat malaabong mangyaring umikot ang oras ng pakaliwa
Kaya ko ngayon ay nasa gitna ng daan at ako nga'y papunta na
Sa napakalayong ibayo, patakbong kabayo nais kasing mapaaga
Daong sa minimithi kong destinasyon
'Di natalo sa mga binuo kong desisyon
Mga bakasyon na tinapos at nang sa gayon
Ay masimulan ko na't tanawin ambisyon ko ngayon
Kahit saan pa 'ko dumaan
Palipad o 'di kaya ay pagapang
Bundok o tinik ma'y lalampasan
Sa akin walang makakahadlang
Tuloy-tuloy lang, kahit mahirapan
'Di susuko, wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang, 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap
Kahit saan pa 'ko dumaan (Kahit sa'n)
Palipad o 'di kaya ay pagapang (Kahit pa)
Bundok o tinik ma'y lalampasan (ooh)
Sa akin walang makakahadlang
Tuloy-tuloy lang, kahit mahirapan
'Di susuko, wala ng hintuan (wala ng hintuan)
Tuloy-tuloy lang, 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

14

2022 · single

Benzer Sanatçılar