Kishore Kumar Hits

Guthrie Nikolao - Baby Ko Si Kulot şarkı sözleri

Sanatçı: Guthrie Nikolao

albüm: Baby Ko Si Kulot


Alas-siyete ng umaga, nakatayo ako sa aming gate
Nag-aabang na sa kanya, sana 'di pa ako late
Kumakabog ang aking dibdib, ang lakas ng aking faith
Na ako ay kanyang ngitian, kasingtamis ng chocolate
Curly ang kanyang buhok, tawag sa kanya ay si Kulot
Isang poging lalaki, happiness sa 'kin ang dulot
Mga tingin n'yang malapot, puso ko'y lumalambot
Ano'ng mayro'n sa 'yo? Hiwaga ba na bumabalot?
Bakit ba sa 'yo ako'y laging nagpapapansin?
Lahat ay gagawin, mapalapit ka lang sa akin
Pati sa pagsakay sa jeep, ikaw na'ng pauunahin
Makatabi ka lang sa upuan, ako talaga'y kikiligin
Baby ko si Kulot
Inaalis n'ya'ng aking lungkot
Sa mga ngiti mo, ako'y parang hinihigop
Hindi ko na talaga 'to kaya na malimot
Baby ko si Kulot
Pag-ibig mo'y pilit kong inaabot
Sana ako na lang ang makasambot
Dasal ko kay Bathala, 'wag mo 'tong ipagdamot
Alam mo ba na para kang pangarap sa aking
Matalinghaga na mga tula dahil gustong makuha ka?
Kita mo ba? Binago na ako ng 'yong ngiti
Napaka-cute, napakapogi, naku, pa'no 'yung hindi?
Ako kikiligin 'pag nakatingin na ko sa 'yo
Kahit litrato mo, lalambingin
Naku, Kulot, pa'no bang ika'y makuha
At mahaplos ang 'yong buhok na para bang gayuma?
Ako'y buong-buo sa bawat minuto na pinapanood kita
Sa puso, iba, handog ko tila
Sa mundo, tulad ko'y 'di na makikita pa sa iba, oo, pangarap kita
'Di magsasawa, araw-araw, sasabihin na
Baby ko si Kulot
Inaalis n'ya'ng aking lungkot
Sa mga ngiti mo, ako'y parang hinihigop
Hindi ko na talaga 'to kaya na malimot
Baby ko si Kulot
Pag-ibig mo'y pilit kong inaabot
Sana ako na lang ang makasambot
Dasal ko kay Bathala, 'wag mo 'tong ipagdamot
'Di na papalampasin ang bagay na 'to
Ngayon, sa 'kin ka na hinding-hindi na malilito
Na katulad ng dati ay hanggang tingin lang
Sumisilip lang ako kapag ikaw ay dadaan
At ngayon ay parang panaginip lang
'Pag nakakasama ka'y pakiramdam ko'y walang hanggan
At 'di ka hahayaan na mag-isa
Sasamahan pa kita kahit saan magpunta
Wala na 'kong paki kung may masabi man sila
Basta't mahalaga'y sa 'kin ka
Baby ko si Kulot (hey)
Inaalis n'ya'ng aking lungkot (lungkot)
Sa mga ngiti mo, ako'y parang hinihigop
Hindi ko na talaga 'to kaya na malimot
Baby ko si Kulot (hey)
Pag-ibig mo'y pilit kong inaabot (inaabot)
Sana ako na lang ang makasambot (hey)
Dasal ko kay Bathala, 'wag mo 'tong ipagdamot
Baby ko si Kulot (baby)
Inaalis n'ya'ng aking lungkot (hey, hey)
Sa mga ngiti mo, ako'y parang hinihigop (parang hinihigop)
Hindi ko na talaga 'to kaya na malimot
Baby ko si Kulot (hey, hey)
Pag-ibig mo'y pilit kong inaabot (inaabot)
Sana ako na lang ang makasambot
Dasal ko kay Bathala, 'wag mo 'tong ipagdamot

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar