Kishore Kumar Hits

Shanti Dope - Norem şarkı sözleri

Sanatçı: Shanti Dope

albüm: Materyal


Dami nang gustong kumuha
D'yan na lang sa may bangketa
Para 'di masyadong kita
Nang mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh-oh
Ano ba 'to, oh-oh-oh
Binebenta ko, oh-oh-oh
Pa'no ba 'to, oh-oh-oh
Ako lang ang mero'n nito
Alas-12, hating gabi
Pwedeng pa-gramo-gramo kung gusto bumili
Abutan ng bayad sa may tabi-tabi
Ingat lang dahil baka may makasalisi
Makinig sa istorya do'n sa may Divisoria
Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria
Palagi na sa lansangan kahit na maalinsangan
'Di siya nag-aalinlangan basta't tama'ng bentahan
Kaya ingat lang sa kapkapan, baka magka-bakbakan
May bakal ka ba na dala na katulad nila? Sinubukang lumaban
'Wag n'yo akong tutularan sa tabi ng kanyang pangalan
May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan
Kailan kaya matututo? 'Wag matigas iyong ulo
'Di nakontento sa porsyento, dividendo, kilo-kilo
Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan
Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan?
Paninda ko, oh-oh-oh
Ano ba 'to, oh-oh-oh
Binebenta ko, oh-oh-oh
Pa'no ba 'to, oh-oh-oh
Ako lang ang mero'n nito
Ako na lang ang mero'n, wala na dito sa 'min
Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing
Sistemang mapanlamon, ang dami kong inihain
Handa 'kong mamatay dahil may dapat na buhayin
Pamilyang umaasang matulungan sila
Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga
'Di puwedeng ako'y makulong, lalaban ako kahit mag-isa
Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo pa ng iba
Nakulong na si Kosa, nanlaban na si tropa
Pasensya na kayo, kailangang maabot ang kota
Para 'to sa pangsuporta, wala nang makakakontra
Trabaho lang, walang personalan bago lumayo ng sobra
Sa espadahan ng sungay, kailangan ikaw ay mahusay
Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay
'La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay
Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay
Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Laging gising, laging gising, laging gising-sing
Mga praning, mga praning, mga praning-ning
Gusto ko na talagang magbagong buhay
Kasi lumalaki na 'yong mga anak ko
Mamang nakaputi p'ede ka bang lumingon
'Yong tinda mo sa 'yong munting kariton
Ang bibig ko'y tikom lang, kita'y lalago
Basta may libreng tikim sa iyong nilalako
Sabi ko noon kay inay, kaya ko na pong mag-isa
Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira
Sa kada pandikit ko nagtatanong sa sarili nang maiba
Papa'no kung maaga ko mapagnasahan ang aking mabatong lapida
Kaya kahit na 'ko'y dilat, hirap manalamin
Kung kaninong bungod 'yong kaharap ko sa salamin
Pero kahit madalas mapraning, bihasang-bihasa na 'to sa pagdating
Sa galawan, ako lamang ang tanging biktima at salarin
Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan
Habang buhay dinala, kasiyahan na panandalian
Mundong nilasap ko ng matagal kahit pa sabik pa kong iwan
Kaso sa huli rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian
Dami nang gustong kumuha
D'yan na lang sa may bangketa
Para 'di masyadong kita
Nang mabenta kong paninda ko, oh-oh-oh
Ano ba 'to, oh-oh-oh
Binebenta ko, oh-oh-oh
Pa'no ba 'to, oh-oh-oh
Ako lang ang mero'n nito
Ako lang ang mero'n nito
Ako lang ang mero'n nito

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar