Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Gandang umaga, haring araw, tulala sa kaning bahaw Pang-amoy na nabusog sa lumalapang alingasaw Ng kalye't kairitang halayang ininit lang Tiis lang ang lasa, parang minumog na sinigang Pasok sa paaralan, gano'n pa din pag-uwi Dakilang tagahiwalay ng de-kolor sa puti Poso na nagturo sa 'king pa'no humingang malalim Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin Mababad man sa gawaing bahay, laging nangunguna 'Pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyo Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo pa Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin Sa dami ng bukambibig, kung nakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Taas-noo pa ding nakayuko Salot man ay madalas mapuno Sa kabila ng nagbabalak apulahin Ang apoy sa pasan na sulo Parang kadabuwan nakikipagbuno Tuwing araw ng dalaw, laging madugo Ngayon pa man ay siniguradong Makalaglag-takuri kada bagong pakulo Napapakapit-tuko Lahat ng aking kuko Nakabaon ng malalim para lang hukayin Ang mga diyamante sa aking bungo Andami nating gusto Na 'di magawa 'pagkat ayaw nating matukso Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin Kapagka dumating na ang ating sundo Pagkagaling sa eskuwela, rekta palit kamiseta Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta Sa dinamidami ng mabenta, pansakit sa kabila ang tenga 'Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog-riseta Andami-dami, daming maiingay dun sa amin Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain Sa dami ng bukambibig, kung nakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Dapat karapat-dapat siyang iiwanan mo Dapat karapat-dapat siya 'pag iiwanan mo