Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo Dalada na sibat ay tulang magarbo Pinahatid ang mga malalang regalo ko Sa utak alimango, maluwang na karo Gitgitan na kami ng aliwin Ng mga pangarap na hindi kaya bilhin Marami man ang pumapantasya Bilang lang sa daliri ang pwede tumikim Mundong inakala kong laro lang Nasimulan na maging kilala ko na Pagkatapos sawayin ng mga karanasan Na dala ko piring sa mata Kinagatan ang trip ng karamihan Kahit na hindi madaling nguyain sa panga Baka naman ay magyapak ka nalang Pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa Katawa-tawa na isipin Ngayon pa ko nadala sa pagiging patapon Na malala sa alipin, ang mahalaga nabawi rin May napapala kada gising ko Sa kama kahit na gipit ako Na dumilat ay todo kayod kalabaw Kahit na walang sahod sa lamesa Walang karapatan na mapagod Kung 'di na kaya ibigay ni Itay Ang mga hiling sa dumaan na kometa Panahon na para ilabas ang mga kaalaman Na itinabi ko sa bodega Ang usapan ba dito karera? Dala ko'y tangke na de kalesa Bumbilya ko'y alam ko na paganahin Ayoko na magtiyaga pa sa gasera Ang haring araw ay nakauwi na Ano kayang ipapakita ko Na mukha sa buwan Nakangiwi ba o nakangiti na Parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina Pagkadoble-cara, pangkaraniwan Sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian Sumabay sa alon o magpakasalbabida, ah Habang sila tanging hangarin 'Di na gumamit pa ng pambura Akin ay pa'no pa ba ko Sa sariling baho ko mapasuka Sa dami ng palabukang bibig 'Di ko maiwasan na mapamura ako Laban sa mga tengang Panalang latak lamang ang napuna Kaya kung bakit ba 'ko nandito? Karaniwan na tanong ng ilan Kahit na sa pagkabalagong nalibang Niluwal ako para sa matinong dahilan Kahit patapon sa ilan Pagkakataong hiniram, nagkaron parin ng dahilan Para umasa na dumating Ang panahon ng napakalagong anihan Pinili ang mga dapat kalabanin Pero 'di kung sino ba papalagan Bago pa gawin na katawa-tawa Pagkatao na 'di nila tipo makita, pinakawalan Mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida Gaganapan, sariwang era ko'y abangan Peke ang mundo na iyong ginagalawan Kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran