Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan Tumingin sa 'yong liwanag Nadarang na naman sa 'yong apoy Sa mundong kinagagalawan 'Wag hahayaang magaya sa iba Kawalang-sala May lakad ka ba mamaya? Pwede ka ba makasama sa paggagala? Kung sakaling 'di ka pwede Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa Siguro nga, napapaisip ka Ba't ako nangangamusta? Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta Pero mukhang ayos ka naman Kahit 'di na kita abalahin pa Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat Para patago kang mag-alala sa 'kin, huh? Habang pinapantasya lamang nila Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga 'Yung ikaw sa likod ng kolorete pati ng Nangangahulugang sa salitang paraiso para sa 'kin 'Wag hahayaang magaya sa iba Kawalang-sala Halika na't tuklasin Ang mundong puno ng isip-hangin Halika na't tuklasin Ang mundong puno ng isip-hangin Halika na't tuklasin Ang mundong puno ng isip-hangin Halika na't tuklasin Ang mundong puno ng isip-hangin May lakad ka ba mamaya? Sana madaanan mo 'ko pagkatapos Sabihin mo ngayon, ako'y makakaasang Dito ka dadalhin ng iyong sapatos Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan Ay handang-handa pa din naman ako mamaos Nakakalubag ka man ay sa mas nakakalibang Na paraan kita tutulungan makaraos Bakit ka nagparamdam? Siguro 'di na kayo nilanggam Ba't kaya 'di niya alam ang iyong halaga Kung ga'no ka kalinamnam Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata Ang hirap nang magpabaya Kapag tawag na ng laman ang nagbadya Makipaglangit-lupa nang walang taya 'Wag hahayaang magaya sa iba Kawalang sala Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan Tumingin sa 'yong liwanag Nadarang na naman sa 'yong apoy Sa mundong kinagagalawan Andiyan ka na naman, 'di ko maiwasan Tumingin sa 'yong liwanag Nadarang na naman sa 'yong apoy Sa mundong kinagagalawan 'Wag hahayaang magaya sa iba Kawalang-sala