Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan Magtampisaw sa tag-ulan, ang kaligayahan, ambunan Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan Anomang dumating na problema, dedma Barya lang ang katapat ng tawang abot-tenga 'Di ko namalayan, tumakbo yung panahon Kung hindi pa 'ko lilingon sa dating kita at lamesa Dati kong mundo, palaruang malawak Sa piling ng bawat katutong kasabay kong mangarap Tawid din nangalab-paap, pati buwan makayakap 'Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara! Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala Ganu'n pa din ang mundo, naging makulay lang siya para sa 'kin Sa tulong ng kada berso kong inuumaga Ako pa din 'tong kayang makisama, makitawa Magpakalango sa nakaraan nating alaala Madami mang padating na dapat pang yakapin d'yan Pagsubok sa piniling kapalaran, parte 'yan Saludo sa mga tropa na palaging nand'yan Na kahit saan, para sa dagok makipasan Sa ngayong kami naman mangibabaw upang ibabawan Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan Nakaraang pasanin, pahirapang ilarawan Dating ingay ng tahanan, naging boses ng lansangan Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis 'Wag kang mangamba sa aking pag-alis Silang mga nagtiwala sa 'kin nung wala pa ako Alam sa kayang babago ng barang kinabisado Sa kubeta't lababo, hanggang sa TV at radyo Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano Bilang regalo, itong awiting muna sa ngayon Ang mananatiling and'yan, mapawala ka't magkaroon S'yang paalala na din, kasama mo ako palagi Anomang hinaing sa pagsubok mo, 'ko kahati Dati nakatingala lang tayo sa mga tala 'Wag mag-alangang abutin, sige, ako bahala Maging halimbawa at gabay mo para maniwala Sa 'yong makakaya bilang kapatid mo kay Bathala Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Samahan mo akong lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala