Kishore Kumar Hits

Shanti Dope - Namamasko Po şarkı sözleri

Sanatçı: Shanti Dope

albüm: Namamasko Po


Sa may bahay ang aming bati
Merry Christmas na mal'walhati
Ang pag-ibig, 'pag s'ya'ng naghari
Araw-araw ay magiging pasko lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Sa may bahay na'ng handa tuwing Pasko, sabaw at kanin
Kahit gano'n pa man ay nanatiling masayahin
Pagsaluhan ang putaheng sa kapit-bahay pa galing
Kahit ano pa 'yan, basta mula sa 'yong damdamin
Sa may bahay na nasa malayo ang ama't ina
Itawid lang sa pag-aaral ang anak nila
Magkaiba man tayo ng hulma at korte ng tahanan
Ang mahalaga sa bawat isa, may pagmamahalan
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko
Sa may bahay na mala-palasyo at kaharian
Pero laging 'di makumpleto sa hapag-kainan
'Di na kailangan kumilos para gutom maibsan
Kaso parang may kulang na 'di makuha sa "pagbilhan"
At sa bahay na may tulay 'pag nakapatong sa ibabaw
Na napakausok, t'wing matutulog laging mababaw
Kahit na magkaiba, hugis ng ating tahanan
Ang mahalaga sa bawat isa, may pagmamahalan

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng Aguinaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar