Ako'y natutulala, araw-araw nakikita
Hindi alam, ako'y nakamasid, hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin na lang ba sa 'yo? 'Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa, kaso medyo nahihiya
Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na (hoo)
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa 'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa, andito na
Totoo na nga ba 'to? Medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala, simula pa lang no'ng una, nandito na
Ang hirap din patagalin kasi maraming nakakapansin
Lahat nabibighani, hindi ko naman masisi
Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa 'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa, andito na
Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang, 'pag malapit ka na, bigla akong naduduwag
Mangangarap na lang ba na ikaw ang kasama?
Ayoko nang mag-isa
Al James, let's go (yeah, yeah)
Kabado pa no'ng una, plano makausap
Lakad pakalmado pero parang nalulula
Daming nakausap, 'kaw ang napusuan
Binibini, gagawan ng paraan makuha ka
Ikaw na nga 'yun, at walang iba
Okay lang 'yan, mundo man natin ay magkaiba
Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga
Sabay sasalubungin ang umaga nang nakahiga
Sa tuwing kasama ka, para 'kong lumulutang (wow)
Kung ga'no kasaya, 'yun ang 'di ko masukat (no)
Lakas ng amat, 'di kaya 'ko ginayuma? (Let's go)
Hanggang ngayon, kapit pa rin sa akin halimuyak niya
Gumagaan lahat ng pabigat (gumagaan lahat ng pabigat)
Patuloy lang tayo sa pagliyab (patuloy lang tayo sa pagliyab)
Kung lahat 'to paniginip lang
Paggising ko, pangako 'yan, agad kong sasabhin na
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa, hindi lang masabi 'pag may iba (hindi masabi)
Gusto lang naman na aminin sa 'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba (wala nang iba), 'wag nang pahirapan pa, andito na
Andito na (yeah, yeah, yeah, yeah)
Yeah-eh (yeah, yeah), yeah
Hey (yeah)
Pa-pa-pa-pa-pa-pa
Поcмотреть все песни артиста