(Simula) Nagsimula ako sa dulo Unang hakbang sa aking nilalakbay (Sa simula) Karanasan ang s'yang nagturo Ng kung ano man ang aking tinataglay (Simula) Nagsimula ako sa una Sa bawat pahina ng aking tula Ngayon ay akin lang nililingon Nililingon kung sa'n ako nagsimula Ito ang simula ko, hindi pa simulado Mahirap maniguro, 'pag hindi ka sigurado Pero kahit na dehado, mahusay bumato Walang kaplastikan, eto ang tunay na ako 'Yung tipong 'di mayaman, kaya 'di 'ko din malaman Na kung bakit 'pag mahirap, kinakayan kayanan Kailangan na tapangan, kaylangan na lumaban Sa mga kapeng decaf habang sa'kin ay gulaman Ako ay nasa gilid, paligid ligid lang Pero nagulat ang lahat, napatahimik ng bigla Marinig ang aking tinig Ako'y tinitignan mga matang mapang mata pero ang utak ay piga Yung dati na nilaet, ngayon 'di ka makalapit Nadama mo ang lakas sa bawat bira sa awit Ito sa tagumpay mahigpit akong kumapit Tenga ang iyong gamitin nang malaman mo kung bakit (Simula) Nagsimula ako sa dulo Unang hakbang sa aking nilalakaran (Sa simula) Karanasan ang s'yang nagturo Ng kung ano man ang aking tinataglay (Simula) Nagsimula ako sa una Sa bawat pahina ng aking tula Ngayon ay akin lang nililingon Nililingon kung sa'n ako nagsimula Diyos ang naging sandalan ko't paniniwala Hanggang ngayon mula pa sa'king pagiging bata Niyakap ko nang maigi ang pagtitiwala Naniwalang kapag may mapaet ay may ginhawa At lumakad ng lumakad pasulong Di alintana ang balakid at panganib na bumubulong Nakipaglaban nang lubusan sa tadhana Walang ibang katulong at tanging kakampi lang ay si Bathala Ang buhayin ang hip-hop ay ginawa ko nang panata Uwi na lang bahala ko na rin ang salitang bahala At eto ang simula ko kahit di pa titulado Pagdating sa entablado at sarap ay edukado Bawat pagod at hirap ay tinuring kong karangalan Bawat butil ng pawis ay tinuring kong kayamanan Nang mga nasa taas nagsimula rin sa baba At lahat ng nasa mundo ay nagmula rin sa wala (Simula) Nagsimula ako sa dulo Unang hakbang sa aking nilalakbay (Sa simula) Karanasan ang s'yang nagturo Ng kung ano man ang aking tinataglay (Simula) Nagsimula ako sa una Sa bawat pahina ng aking tula Ngayon ay akin lang nililingon Nililingon kung sa'n ako nagsimula (Simula) Nagsimula ako sa dulo Unang hakbang sa aking nilalakbay (Sa simula) Karanasan ang s'yang nagturo Na kung ano man ang aking tinataglay (Simula) Nagsimula ako sa una Sa bawat pahina ng aking tula Ngayon ay akin lang nililingon Nililingon kung sa'n ako nagsimula