Makinig ka muna sakin Teka muna wait Magkasama lang kami Pero di ko siya ka date Sa akin ay ngumiti siya Di ko siya kilala Ako ay may amnesia Kaya di ko maalala Kung bakit siya kasama Bakit narito Nagulat nalang ako Umupo sa tabi ko Utak ko ay nalito Ang isip ay naligaw Kamukha mo kasi siya Kaya 'kala ko ikaw Napagkamalan ko lang Kaya sana wag mo nang Isipin na ako ay Babaero't may ibang Babae na kirida Madaming dyang nakita Madami diyang iba Pero tanging sayo lang Kaya sana huwag mo nang Kilay mo'y isalubong At bitawan mo na din Yang hawak na balisong Aksidente lang naman kung ba't kami nagkatagpo Maniwala ka sana at sakin ay wag nang magtampo Pagod na ang puso ko sa 'yong mga dahilan Bakit ba ang mga tukso sayo parang kay hirap tanggihan Lagi kang nahuhuli na may ibang babae Makinig ka muna at may sasabihin lang ako Na ano? Anong palusot na naman iyan Akalain mo mag kikita tayo sa sinehan Hayaan mo munang sabihin ko kung sino yan (Okay sino siya?) Ah pasyente ko na may tumor (pasyente?) Ay oo nga pala, hindi ako doktor Eh kasi naman ano Gusto daw niyang manood Naawa naman ako Kaya ako sumunod Sinamahan ko na siya sa dilim kasi duwag yan Hawak ko kamay niya eh kasi bulag yan Dapat alalayan Baka madapa yan Pero nandiyan ka pala't hindi ko namalayan Siya'y hinalikan at kaya ko nagawa yan Nausog ko siya kaya aking nilawayan Balak kung punasan kasi nabasa yan Hawak ko yung panty niya kala ko basahan Kusang bumaba at hindi ko binaba yan Mga palusot ko lulusot kaya yan Pagod na ang puso ko sa 'yong mga dahilan Bakit ba ang mga tukso sayo parang kay hirap tanggihan Lagi kang nahuhuli na may ibang babae Makinig ka muna at may sasabihin lang ako Na ano? Anong palusot na naman iyan (Ooops!) Sandali ang iniisip mo'y mali Siya yung kaibigan ko na nagmula pa sa Kate Tinuruan ko magDOTA at baka magkamali sya Friends lang kami at wala itong malisya Oo nga hindi sya ngayon nakadamit Eh kasi naman punit at balak nyang magpalit Ba't galit ka? Di naman ako kumaliwa Wag ka munang umalis hayaan mong ipaliwanag ko lahat Na ako sayo'y tapat Nadapa sya patuwad, sa harap ko natapat Nadikit lang sa balat pero di ko nasalat Yung pula ko sa leeg ay lamok ang kumagat At hindi pa ba sapat ang mga nairason? Buko juice ay tumapon sa kanyang puson Nabasa ang pantalon kaya wala kaming suot (Tama na huling huli ka na eh, wag ka nang magpalusot) (Teka lang ha, makinig ka muna sakin) (Ano?) (Alam mo naman na) Ikaw na ang pinaka Para sakin lagi bida ka Pero bakit ka ganyan Sakin lagi duda ka Kung nakita mong naka-sama ko ay yung iba Dito sa damdamin ko ikaw lang nag-iisa Dahil ako ay tapat At hindi nagsinungaling Sa ibang babae Hindi nahuhumaling At hindi nabaling Aking pag tingin Ako ma'y napailing Yun lang ay baka sakaling Mapuna nila, na hindi na 'ko available Layo na mga hot chick, GF ko ay flammable Baka lumiyab, eh selosa yang si love Pag ang galit tumalab Ay nagiging si incredible hulk! Bakit ba ang hirap mong pakalmahin Anong dapat kong gawin Para lang iyong maintindihan Na sa buhay ko di ka pwedeng tanggalin At tanging mamahalin walang iba ikaw pa rin Bakit kahit pagod na 'ko sayong mga dahilan Konting drama mo lang muli na naman kitang pinagbibigyan Mahal kasi kita, kaya sana sinta Sakin maging tapat kana HARI NG PALUSOT