Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Isang papel na sinulatan ng kanta Mga akdang pinagpuyatan na katha Namamangha habang ako'y namamangka Gamit ang mga paksa na nakikita sa bansa Kailangan lang na matignan ng positibo Iba ang masipag kumpara sa pursigido Habang isinasalin ko sa baso ang mohito Iniisip ko kung ano nga ba'ng papel ko rito Isang manunulat Pero ang buhay ko'y biglang nagbago lahat May panahong ako'y ginagago na ay pinagtripan noon Pero ngayon, muli akong nakakaangat Salamat sa mga kumontra, ngayon, halika Ika'y kabilang ba noon sa mga kontrabida? Salamat kritiko, kahit alam ko na mali ka Kasi lahat kayo, positibo kong nakita Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Pasensya na kung 'di kita pinapatulan Sa mga awit mo na iyong hinahaluan Ng pangit na tunog, dapat inilulubog At positibong mga bagay lamang ang pinapalutang Positive na kumayod kung ikaw ay jobless Para 'di ka puro satsat at 'di ka tackless Positive vibes, good luck, at saka god bless Maging positibo ka 'wag lang sa drug test Chill lang para ang buhay mo'y banayad Hindi naman lahat ay naidadaan sa bayad Kapag mabunga ang puno, ikaw ay naha-high blood Kaya binabato na parang Angry Birds sa iPad Habang ako'y naka-upo lang, cool lang Iniisip kung pa'no mapupunan ang kulang Akala mo babagsak ako, mali ka Kasi mga pagsubok, positibo kong nakita Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Tunay na makulay ang bawat talambuhay Pero minsan, lakas-tama na parang talampunay Kahit ang isang paa nakaapak na sa hukay Sa pagmamaniobra nu'ng obra, dapat mahusay At kung sakaling madapa, may galos sa balat At kung sakaling mangapa, nahalo sa lahat Nang malapitan mo ay puro bungang pabalat Tandaan mo ang Pinoy ay may dugo ng alamat Basta tama ang galawan, isipin mo ang tama 'Wag kang magmukmok sa kwarto, silipin sa bintana Bawat araw may hatid sa 'yong panibagong umaga Kahit na mayro'ng unos dapat parin tayong tumawa Ano man ang kaganapan, ano man ang balita Ang lahat ng negatibo, alisin mo 'yan sa diwa Ituwid ang pagkakataon na nagkamali ka Para ang iyong buhay positibo mong makita Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Hindi lahat ng bagay ay mali Positibo