Kishore Kumar Hits

Dello - Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane) şarkı sözleri

Sanatçı: Dello

albüm: Prototype

Lunes ng umaga
Papuntang opisina
Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
Sa gitna ng kalye
Habang buma-byahe
Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe
Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw
Kailangan ko itong gawin 'di pwedeng ayaw-ayaw
Dahil ang bulsa ko ay 'di pa napapaapaw
Sana kahit paano
Ako ay makahataw
Pursigidong umangat
Inuunti-unti ko matipid na iniipon
Ultimo sukli ko
Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumangi ko
Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko
Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsagwan
Para ang bulsa saka ang tiyan ay malagyan
Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan
Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw paulit-ulit bukas ay ganun muli
Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw paulit-ulit bukas ay ganun muli
Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente
Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
Pagkasyahin kung pwede
O merong natira
Isigang ko yung tuyo
Para medyo maiba (wow!)
Ang pambayad ng matrikula
Dapat itabi ko na
Sa ganitong estado na mahirap imanipula
Bawal ba magpahinga?
Dapat na gawin ko na
Pumasok kahit petsa sa kalendaryo'y maging pula
Kasi ay double-pay
Ganun pag holiday
Kayod kahit mamuti buhok na parang anime
Isipin ang ngayon
Yung bukas ay saka na
Kung bukas ay lagas
O baka maging sagana kaya sana
Medyo mag-iba ang kapalaran
Mapanatag ang lubak sa daa'ng nilalakaran
Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat
Pahina paulit-ulit ulit ang larawan
Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw paulit-ulit bukas ay ganun muli
Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi
Araw-araw paulit-ulit bukas ay ganun muli
Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palaging humiling
Mula pagsikat ng umaga
Hanggang sa dumilim
Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palaging humiling
Mula pagsikat ng umaga
Hanggang sa dumilim
Pero pagsapit ng gabi
Lumiliwanag na'ng muli
Basta ikaw ang katabi
Nasisilayan ang ngiti
Inaalis mo ang lungkot
Ang pagod ko at pighati
Pinawi mo ng kay dali kaya
Araw-araw paulit-ulit ngayon wala na ko'ng paki
Bawat araw sinusulit

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar