Nagkita tayo nang hindi mo ko kilala At hindi ko inakala na yun ang umpisa Na dapat 'di nasimulan dahil ako ay 'di malaya Ika'y natagpuan pero hindi ka tinadhana Para sakin teka dapat nga bang mapasatin Ang isang relasyong nasa sitwasyon na alanganin Pag-ibig nga naman ang lahat ay hahamakin Pero 'di ba pag mali 'di na dapat pang hanapin Tawid dagat ang agwat at nagtama ang landas Nang mapunta sa bansa kung sa'n nandoon ka at Parang paglitaw mo lang matapos araw ng undas Naging sulit ang byahe kasi ikaw ang katumbas Na dapat sana'y 'di gan'on kase dapat ibaon Lahat sa limot pero bakit naikot pa rin ngayon Sayo ang mundo kong masalimuot nagkar'on Ng rason dahilan para humugot ng tanong Na kung 'di pala pupwede bakit pinagtatagpo Kung kailan may namagitan saka pinaglalayo Darating pa ba ang araw na ikaw lang at ako Ang magkahawak magkayakap ng hindi nagtatago Pwede mo akong iwasan ng lahat ay mahinto Dahil ayokong maranasan mong ikaw ay mabigo Bakit ngayon ko lang naisip, naging tanga ako Na di mo dapat mahalin ang taong di para sayo Isipin mo Hindi siya para sa'yo Kayanin mo May darating para sa'yo Nakasakay sa eroplano ang tanaw abot baba May tanong pa rin sa isip pero ang sagot wala Inalis na ang mensahe na iyong pinadala Alisin kita sa buhay ko yan ang 'di magawa 'Di ko nga ba magawa o ayaw ko lang gawin At ayaw lang tanggapin na kailangang tanggalin 'Di na dapat nagsubok pa na ikaw ay asamin Sana 'di na lang pala, bakit nangyari pa rin At makikinig ka ba kung sasabihin kong patawad Sa sandaling oras ika'y napamahal na kagad Pero kailangan ko sa'yo ay palayong lumakad Bago pa mga kamay mo sa kamay ko ay sumayad At dito lang sa dibdib ko pwede lang maghalungkat Makikita mo ang puso ko kung paano manumbat Na kung ba't hinayaan na ikaw ay hinangaan Tapos 'di ko namalayan nahulog na sayo at Hindi ko na dapat pa ginawa na kausapin ka Tapos patawanin ka tapos pangarapin ka Okay lang ako kaya 'wag mong alalahanin na Nasasaktan ako ang gusto ko ay palayain ka Mag-ingat ka palagi langit sana'y pagpalain ka Aalis na ko at wag na nating pahabain pa Salamat sa pagmamahal, ayokong paasahin ka Mahal kita pero mali ang mapasakin ka Isipin mo Hindi siya para sa'yo Kayanin mo May darating para sa'yo 'Wag kang manghihinayang Hindi ka niya kailangan Ilang taon lumaban Bakit ako lang At kaya aalis na ko hindi mo ko kailangan Mahirap na umasa 'pag tadhana ang kalaban Alam natin na mali mga nakaw na sandali Dapat na kong umuwi dahil masasaktan ka lamang Puno ng alinlangan ang dibdib puro kaba Kailangan natin 'tong tigilan na habang buo ka pa Ayoko na masira ka sakin maging tanga Kala ko kaya ko, ang sakit pa din pala Oo aaminin ko minamahal pa rin kita Pero kapag itinuloy 'to may masasaktang isa Huli na ang lahat 'di tayo pwede sapagkat Ako ay para sa kanya ikaw ay para sa iba Kaya titigan mo ako ngayon saking mata At sabihin mo sa akin na umaayaw ka na Yung nangyari kahapon hayaan na lang matapon Dahil ang mundong ito'y 'di para sating dalawa Ako'y 'di para sa'yo