Ang sakit talaga Ako'y namimilipit na Minamahal naman kita Bakit iniwan mo sinta Talaga yata na walang forever sa mundo Minsan yung pinili mo hindi ka naman gusto Di ko nga lubos maisip batang kalye ng tondo Ay kaya mong palambutin na parang kanin at monggo Ang akala ko kasi nung nag-aya kang magkape Pagkakataon ko nang makasama't makatabi Pinapangarap kong babae hawak ko kamay mo eh Sabay bukas mo ng laptop sabi ko "Aray ko beh!" Biglang di ko na alam isasagot ko sa tanong Nang alukin mo ako ng mga gamot at saka sabon "Open- minded ka ba?", Malinaw na sakin ngayon Mga mata ko'y naluha ba't biglang nagkaganun Ilang buwan ako nanligaw araw-araw nagpa-cute Aayain mong mag-date para lamang mag-recruit Nung ako'y napailing noo mo'y napakunot At iniwan mo akong malungkot Ang sakit talaga Ang sakit, ang sakit talaga talaga! Ako'y namimilipit na Ako'y namimilipit na! Minamahal naman kita Minamahal naman kita! Bakit iniwan mo sinta Bakit iniwan mo sinta! Ta! Ta! Ta! Tapos sa pangalawa nabighani sa ganda Sa isang dalagang tila bagong ani ng mangga Namasukan kang katulong at ako ay namangha Ang galing mong humawak ng palo-palo at batya Nahagip mo ang damdamin ko ako ay nasapul Kaya sa tuwing nagwawalis ka ako'y nagpapa-cool Pero ang pag-ibig kong pula biglang naging asul Nang sumama ka dun sa taga-deliver ng gasul Ikaw ang gumagabay sakin at tagasilbi Di ko lubos maisip bakit ka nagtaksil beh? At ang sakit na dulot lalo pang tumitindi Dahil may isang bagay pa ako na nadiskubre Na yung pambayad ng bill na winidraw ko galing bangko Binulsa mo at di mo binayad sa Meralco Huli na nang mabalitaan ko sa dyaryo Ikaw pala ay mangga-gancho Ang sakit talaga Ang sakit, ang sakit talaga talaga! Ako'y namimilipit na Ako'y namimilipit na! Minamahal naman kita Minamahal naman kita! Bakit iniwan mo sinta Bakit iniwan mo sinta! Ta! Ta! Ta! Tamang pab-ibig sa tamang panahon Muling umibig sa ikatlong pagkakataon Umaasa na maging ayos na tong relasyon Sa babaeng gumanda dahil sa operasyon Pero di ko alintana kahit na ganyan Sa labis na paghanga lagi kang nandyan Saking puso at gusto ko ika'y mahagkan Mga luho at gusto mo ay pinagbibigyan Lintik na pag-ibig yan pag pera ang gumana Iniwan mo ako sa sure-taker ka sumama Ang sabi mo uuwe ka sakin ng umaga Buwan na ang lumipas hanggang ngayon wala pa Wala kong nagawa eh kasi nga taghirap Meron lang pang-unli-text pero walang pang unli-pop At para magka-3k pinilit na magsikap Pero wala ka na hindi na kita mahagilap Ang sakit talaga Ang sakit, ang sakit talaga talaga! Ako'y namimilipit na Ako'y namimilipit na! Minamahal naman kita Minamahal naman kita! Bakit iniwan mo sinta Bakit iniwan mo sinta! La la la la la la la la Ano ba ang aking kasalanan? La la la la la la la la Bakit puro kabiguan ang aking naranasan? La la la la la la la la Kabiguan sa aking tatlong niligawan La la la la la la la la Ako'y umibig tapos iniwan