Nakatingin sa kalawakan Mga mata ay nasa tala Sa lupa na nilalakaran Sino nga bang mag-aakala? Nagmula sa ilalim, umahon at nanalangin Na kahit na alanganin, sana naman mapasakin Minimithi ko't hangarin, ang pamilya mapakain Munting talentong dalangin, katumbas ng mga kanin At ulam na maihain, kahit medyo mahiyain Pinilit ko mikropono at ang kable ay hilahin Maaari po bang gamitin para sa aking awitin? Pero sila'y natatawa, natutuwa na laitin Hindi raw uso ang rap, ano daw ang sasapitin? Kung di tanggap ng tao aking bawat sasabihin Itigil ko na raw, sila'y wag nang subukang alukin Pero pangarap ko 'to at gusto ko lang na abutin At napasali sa contest isang pyestahan nung gabing Nasa San Juan, kung saan unang beses akong naging "Freestyle King" at napasuntok pa sa dingding Nang iabot ang isanglibo na tumataginting Asawa ko ang sumalubong pagdating ko sa amin Sabay abot ng pera at napangiti ng bilangin May panghanda na tayo, ako'y naluha ng yakapin Kase nung araw din yun, kaarawan ng anak naming Nakatingin sa kalawakan Mga mata ay nasa tala Sa lupa na nilalakaran Sino nga bang mag-aakala? Kapag tinitingnan ko ang mga bakas sa likuran Sa bawat pintuan na sinubukang hintuan Na hindi pinagbuksan, itinuloy ko lang ang lakad Pursigido ang sarili na dapat gawin ko yan Nakipagsapalaran, lagi pang may paraan Kahit minsan may pasan ko, langit ang nakadagan Bawat santo na alam ay aking dinadasalan Di sumuko, di tumukod, nakapila sa daan Kahit na itong sapatos eh butas ay kakayanin Na lakarin, tahakin, bahala na kung papalarin Walong libong kilometrong agwat mula dun sa amin Nandito ko sa bansa na mas marami ang buhangin Para lang sa pamilya, ako'y hindi padadaig Tinitiis ko ang inip, at ang lungkot pati lamig Nitong gabi na mag-isa, ang luha ko walang patid Pero di dapat indahin, gusto ko lang ipabatid Na pangarap at inspirasyon ang lagi kong rason Kung bakit buhay pa rin, humihinga hanggang ngayon Bigla akong pinauwi, ewan ko ba't nagkaganon Yun pala ay may naghihintay na pagkakataon At ito yon Nakatingin sa kalawakan Mga mata ay nasa tala Sa lupa na nilalakaran Sino nga bang mag-aakala? Yung nakikita mo sa TV pati sa social media Sinong nag-aakala na dati umuuwi sya Na walang pamasahe, binabaybay ang Avenida Para lamang tipirin ang kakarampot nyang kinikita Yung nakikita mo ngayong pinapalakpakan Ay nakaranas matulog habang pinapapak pa yan Ng lamok at puro kamot ang kumakalam na tiyan At may anak sya sa tabing kinakailangan paypayan Yung nakikita mo ngayon sa dyaryo at sa magazine Yung bata na dati ay nag-uulam ng asin Yung napakinggan mo sa radio ng interview-hin Ordinary lang syang tao at sya ay tulad mo rin Yung nakikita mong tumatanggap na ng plake Ay minsan din sa buhay nya, sya ay naiisantabe Dati wala silang pake, kasi walang bumibile Sa mga awit subalit pinilit nyang magpursige At yung nakikita mo sa itaas ng entablado Ay dati na rin syang hindi pinapansin ng tao Kasi daw ay mukhang gago, basura kung i-trato Ngayon madami nang nagpapakuha ng litrato Ang ibig ko lang sabihin, hindi lagi sa baba Kakayanin magawa, kung dadaanin sa tyaga Sige mangarap ka ng mataas, nakakalula Basta ang mga paa, nakasayad lagi sa lupa