Sinong 'di maaakit Sa katangian mong taglay Paraluman Hayaan mo 'kong mahimlay Sa 'yong kanlungan masisilungan Sa tuwing umuulan Ang kalungkutan, pahintulutan Na ikaw ay mahagkan Madaming nagsasabi na madami daw sila 'Sing dami ng buhok kung bibilangin ang hibla Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla Karayom sa dayami ang katulad mo sinta Gabi man o umaga tanging nais matanaw Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw Oh, paraluman ika'y pinagpala Ang kagandahan tulad sa mga tala Ang katangian mo'y 'di pangkaraniwan Kung mamarapatin lang, akin ka nalang Paraluman Paraluman Hindi makabasag ng pinggan, pinong-pino gumalaw Balingkinitang katawan 'Sing init ng tag-araw Nakakaakit pakinggan ang malumanay mo na himig (malumanay mo na himig) Musika sa 'king tenga ang mala dyosa mo na tinig (ang mala dyosa mo na tinig) Madaming nagsasabi na madami daw sila 'Sing dami ng buhok kung bibilangin ang hibla Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla Karayom sa dayami ang katulad mo sinta Gabi man o umaga tanging nais matanaw Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw Oh, paraluman ika'y pinagpala Ang kagandahan tulad sa mga tala Ang katangian mo'y di pangkaraniwan Kung mamarapatin lang, akin ka nalang Larawan mo lang ang naaaninag sa 'king pag pikit (paraluman) Ikaw ang laging nakikita kahit saan tumingin Hinahangaan ka kahit ano mang angulo ng pagtayo Daig mo pa ang klima kapag tag init Nakakauhaw ka pa din Ako may nalulunod na Sa taglay mong ganda walang katulad ibang klase ka Ikaw ay bituin sa gabi Pinapaliwanag mo ang paligid sa tuwing madilim At huling huli ang panlasa hiling ay makasama Ka ng matagal kung mapagbibigyan ng tyansa Imahe mo'y sa imahinasyon nananatili At sa dami ng nasali ay ikaw yung lakambini Napili kitang paglulan nitong aking pansin Malalim ang kahulugan nitong aking pagtingin Hatiin mo ang puso ko at ating pagsaluhan Dahil pag-ibig ay wagas para sa 'yo paraluman Madaming nagsasabi na madami daw sila Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla Gabi man o umaga tanging nais matanaw Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw Oh, paraluman ika'y pinagpala Ang kagandahan tulad sa mga tala Ang katangian mo'y 'di pangkaraniwan Kung mamarapatin lang, akin ka nalang Paraluman Paraluman