Sa isang ngiti mo lang Yeah, ha, ah "I mean you ever heard of a night like this before, baby?" "Yeah, Rushy, Russ, Curse One, ha" "Yo Curse, talk to me boy, let's go!" Ako'y nasa labas lang ng bahay n'yo Habang nakatingin lamang sa bintana mo, oh-woh Hinihintay kitang sumilip kahit sandali lang Masilayan ko lang ang tamis ng ngiti mo 'Pagkat alam mo naman na ikaw lang ang gamot Sa kumikirot at mahapding sugat ko Na natamo sa nakaraaan Lahat ng mabigat sa loob ko'y gumaan Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) Ang init ng ulo ko'y nawawala Natatangal ang lahat ng problemang kong dala Mga pasanin na 'di ko inakalang kakayanin ko, kaya ko pala Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) 'Pag 'di kita kasama tinitingnan ko ang camera Mga larawan nating dalawa 'Yun ang nagpapasaya sa 'kin sa tuwina Kasabay ng mga bagong love song Na tumutugtog sa radio oh-oh Napakagaan na pakiramdam ko Ako'y dinuduyan ng pag-ibig mo, oh Ewan ko bakit nga ba nagka ganito 'Di ko naman inakalang mapupukaw mo (mapupukaw mo) Sa 'yong malambing na ngiti langit ang nadarama sa 'yo Nitong puso na ang sigaw walang iba Kundi ikaw sa buhay ko, oh-woh Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) Ang init ng ulo ko'y nawawala Natatangal ang lahat ng problemang kong dala Mga pasanin na 'di ko inakalang kakayanin ko, kaya ko pala Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) Yeah, ah Laging nakaabang sa inyong harapan Sumasaya ang araw sa isang ngiti mo lang Ang komumpleto sa dating kulang Dito sa buhay ko ikaw ang unang Nagbigay ng importansya Kahit ang ating estado May malayong diperensya O, anong saya nang ika'y dumating Baby girl, yours most the most precious thing Ikaw ang nagturo sa akin magmahal Ikaw ang nag punan sa puso kong pagal Matagal din hinintay na may magdaan Ang katulad mong magbubura sa 'king nakaraan Ang dahilan inspirasyon sa 'kin mga pangarap Ang mga hinahanap ko sa 'yo ko lang nahanap Wala nang hahanapin pa Sayo ako'y kontento na Tanging ikaw lang at sa isang ngiti mo lang Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) Ang init nang ulo ko'y nawawala Natatangal ang lahat ng problemang kong dala Mga pasanin na 'di ko inakalang kakayanin ko, kaya ko pala Sa isang ngiti mo lang (sa isang ngiti mo lang) Ooh, ikaw ang nagsilbing pag-asa Dahil sa 'yo may mga magandang bukas Pang darating, eyy Sa isang ngiti mo lang