Di ko maipaliwanag ang aking nararamdam Nung nakita sa isang okasyon. ewan ko Ba kung bakit ba pumasok ka nalang bigla sa panaginip ko At isang araw gustong gusto na kita masilayan ulet Makasama ulet makausap ulet kahit na Di ako makulet di ako malupet na katulad nya Basta masaya ako sayo Kahit sya palagi ang nasa isip mo Alam ko namang naguguluhan ka pa sa kakaisip sa iyong nakaraan Na nagdulot ng matinding sugat sa puso mo Nandito lang ako para sayo prinsesa ko Ako'y alipin sa pag-ibig mo Bukod tangi ka sa lahat ng mga nakilala ko Di ako magsasawang tingnan tayong dalawa na magkatabi Sa loob ng litrato Handang kong tanggapin lahat sayo at i-alay Lahat ng sakin pagkat hindi ko kaya Na makita ka kasama nya Alam kong kaibigan lang ang tingin mo satin Ganun pa man ay ayos lang Basta nandito lang ako sayo handang dumamay Ako'y magiintay sayo 2nd verse: Masyadong kong tahimik at hindi maboka na katulad nya walang ipagyayabang sa Katulad mo kaya sa sulat ko nalang idadaan itong damdamin inaamin ko Na wala sakin ang lahat ng katangian ng isang lalakeng aligaga Mabilis ang dila malikot kumilos humahawi ng buhok habang nagtatanghal Sa harapan mo Di ako ung tipong malakas ang loob para sumali sa fliptop Pero ako'y sobrang down sa hiphop Music tulad ng pagkakaalam mo Mga kwento ko sayo nung una mong tawag saking telepono Aking telepono'y laging inaabangan magring o kahit text man lang mam Gabi gabing nakatitig sa larawan mo ang sarap sa pakiramdam pag Gising ko ikaw ang napanaginipan ko Magkasama tayo sa kaharian mo Mahal na prinsesa ang sarap mag-alay sayo Sabihin mo lang kung kailangan mo Agad babyahe mula valenzuela hanggang tondo Kahit na ako'y matatakutin sasamahan kita sinta Alam kong mapapalitan din ng liwanag ang dilim Kinabukasan pag mulat mo ng iyong mata (chorus) Oooh kung alam mo lang Ako'y sobrang inlove sayo Ako'y sadyang tahimik lang Ganun pa man ako ay totoo 3rd verse: Ayoko ng sikat pero mahal ko sikat Sa puso ko sikat sikat kasi mahal ko sikat Sa puso ko simple lang intindihin mo nalang Magulo ba talagang nakakabuang nakakabaliw Nakakaloko, pano mo ko, napaibig ng todo Ng ganun na lang mapasagot kita ng oo Sa panaginip lang siguro isang illusion Itong awitin ko ay punong puno ng emotion Alam mo kung bakit? meron kasi kong inspirasyon Wag mo ng itanong pagkat alam mo na ikaw yun Tinutukoy sa awitin na to Sana kaya kong sabihin sayo Aminin sayo ng harapan sana'y maagapan Ng di tuluyang malunod sayo ang Pusong di sinasadyang mam mam mam mahulog sayo Ilan na ba ang mga pinaliyab kong kanta Pero to'y naiiba sa malatelenobelang mga storya Na napanood ko Ang sarap mangarap lalo kung ikaw ang katambal Sa eksenang matamis miss na kita ang bilis ba? Sensya ka na kahit ako di ko akalain Na aabot ako sa puntong di inaasahan Ngunit handa kong magintay sayo, Tawagin mo lang ako sa oras ng pangangailangan mo Handang kong tanggapin lahat sayo at i-alay Lahat ng sakin pagkat hindi ko kaya Na makita ka kasama nya Alam kong kaibigan lang ang tingin mo satin Ganun pa man ay ayos lang Basta nandito lang ako sayo handang dumamay Ako'y magiintay sayo