Nakatingin sa salamin Nagtatanong kung bat 'di ko maamin Aking pagtingin sa 'yo Nag-aabang lang ng tamang tiyempo 'Wag kang mabigla't magtaka, totoo ito Pakinggan mo ang aking himig Na sumasalamin sa aking kilig Wala mang lakas-loob sabihin Pero ito'y kanta, kaya't sasabihin ko na Gusto kita Gusto kita Gusto kita Dahil ito'y kanta, ayan, nasabi ko na ♪ Bawat tingin mo sa akin Dinadasal sa Diyos na ang hiling ko sana ay dinggin Na sana'y gusto mo rin ako Sa 'yo lang naramdaman lahat ng 'to 'Wag ka sanang magtaka, 'di ako nagbibiro Pakinggan mo ang aking himig Na sumasalamin sa aking kilig Wala mang lakas-loob sabihin Pero ito'y kanta, kaya't sasabihin ko na Gusto kita Gusto kita Gusto kita Dahil ito'y kanta, ayan, nasabi ko na Pakinggan mo ang aking tinig Na kinakabahan at nanginginig Pero may lakas ng loob na sabihin na gusto kita Gustong-gusto kita Ngayon, may lakas ng loob sabihin na gusto kita At isisigaw ko na Gusto kita Gustong-gusto kita Gusto kita Salamat sa musika Sa wakas nasabi ko na