Halina, aking hirang Ang bintana ay sarhan Matapos na magkantahan Tayo ay magkuwentuhan ♪ Sa silong ni Kampana, may mamang nakadapa Kaya pala nakadapa, nangangapa ng palaka Palakang may buhok, may ngiping nakalubog Ang itim ng kulay, hindi naman sunog Ako ay may manok, galing sa Cavite Balahibo'y kulot, dalawa ang butse Kung isabong ito sa araw at gabi Sino mang matuka, nagiging butete Habang nagkukuwentuhan Tayo na sa higaan Upang ikaw ay ganahan Sa aking kuwento, hirang ♪ May alagang pagong si Haring Solomon Ang biyak sa likod, parang pinalakol Kung maligo ito sa umaga't hapon May patampal-tampal, may pasaboy-saboy Ang pagong na ito, kahit sinasabon Mayro'ng natitira na kaunting amoy Ngunit gustong-gusto ni Haring Solomon Ang alagang pagong, inaamoy-amoy Tapos na ang kuwentuhan Patayin mo ang ilaw Halina, oh, aking hirang Tayo ay magkantahan