Naku Menggay ang tatay ko'y gutom na at uhaw Sa tinda mong tilapiang kay sarap na matikman Bakit sa tawad ko ay ayaw mo pang ibigay? Sa bente pesos bawat kilo ay anong mahal Ibigay mo na, ibigay mo na Ang iyong tindang tilapia, ibigay mo na Ang tatay ko ay sabik na, na matikman ang lasa Menggay, ibigay mo na Tuwing madaling araw ang tatay ko'y laging galit Ang tinda mong tilapia ang napa-panaginip Ma-amoy man lang daw o di kaya ay mamasid Ang sariwang tilapia na kanyang ninanais Ibigay mo na, ibigay mo na Ang iyong tindang tilapia, ibigay mo na Kung nais mong lumigaya ang tatay kong may dusa Menggay, ibigay mo na -Instrumento- Parang naglilihi ang tatay ko'y laging sabik Laging naglalaway oras-oras laging galit Mainit ang ulo nangingintab ang gilagid Ang ugat sa leeg umaalsang parang lubid Ilabas mo na, ilabas mo na Sapagkat galit na galit na ang aking papa Sana ay bawasan ang presyo gawin mong dise-otso Menggay, ibigay mo na... Timbangin mo na... Ilabas mo na... Tindang tilapia... Saksakan ng tabaaaaaaaa!!!