Kishore Kumar Hits

Willy Garte - Piitan şarkı sözleri

Sanatçı: Willy Garte

albüm: Ikaw Lamang


Nang ako ay ikulong sa selda ng mang-aapi
Landas ko'y nagdilim sa kalungkutan
Mga mata ko'y luhaan at 'di alam ang gagawin
Sa loob ng rehas na bakal
Kay hirap ipaliwanag ang katotohanan
Dukha lamang ako at walang yaman
Pinaratangan ng kasalanan na 'di ko naman nagawa
Ng mga taong halang ang kaluluwa
Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay
Pagtitiis at pawang pagdurusa
Wala nang pag-asa na ako ay lumaya
Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin
At nang ako ay litisin doon sa hukuman
Ako'y napaiyak nang ako'y hatulan
Naging pasiya ng hukuman na ako ay makulong
At magdusa nang mahabang taon
Nasaan ang katarungan sa isang katulad ko?
'Di ba't batas natin ay pantay-pantay?
Batas ng tao, kung minsan ay 'di ko maintindihan
Ilan pa kaya ang magiging katulad ko?
Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay
Pagtitiis at pawang pagdurusa
Wala nang pag-asa na ako ay lumaya
Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin
Sa piitan, kay lungkot ng aking buhay
Pagtitiis at pawang pagdurusa
Wala nang pag-asa na ako ay lumaya
Dahil sa habang-buhay na hatol sa akin
Dahil sa maling paratang

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar