Habang ika'y sumasayaw Pinagmamasdan ang bawat galaw Ng iyong katawan, baka naman Iyong pagbigyan ang kahilingan na Ikaw ay dahan-dahang mailakad sa isipang Puro ikaw lang (ako na lang), ikaw lang (ako na lang) Ikaw ang may kasalanan Kung bakit ako ganito Ngayon, mula noon Hindi ko na rin alam (hindi alam) Kung nasaan (kung nasaan) ang pinagsamahan Sa bawat baitang na inaakyat Pagmamahalan ay hindi naging sapat Ako ay papanhik (ikaw ay papanhik), ikaw ay pabalik (ako ay pabalik) Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di ka na sabik Oh-oh-oh-oh-oh Ooh-ooh-ooh-ooh Malaya ka na (malaya ka na) Paalam, sinta (paalam, sinta) Habang ako'y sumasayaw Nakikita ang bawat tanaw Ng iyong mga mata Hindi kaya ika'y umaasang maipadama Ang bungad ng pintuan at malawak na isipang Puro ako na lang (ikaw na lang), ako na lang (ikaw na lang) Ako ang may kasalanan Kung bakit ka nagkaganyan Ngayon mula noon Hindi ko na rin alam (hindi alam) Kung nasaan (kung nasaan) ang pinagsamahan Sa bawat baitang na inaakyat Pagmamahalan ay hindi naging sapat Ako ay pabalik (ikaw ay pabalik), ikaw ay papanhik (ako ay papanhik) Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di na 'ko sabik Ah-ah-ah-ah-ah Ah-ah-ah-ah Malaya ka na (malaya ka na) Paalam, sinta (paalam, sinta) Paalam na sa ating alaala Paalam na kahit na mahal kita Paalam na sa ating alaala Paalam na kahit na mahal kita Paalam na sa ating alaala Paalam na kahit na mahal kita Paalam na sa ating alaala Paalam na kahit na mahal kita