Nakakubling mga tinig Dinadala pa rin ng hangin May palitan nga ng mga sulyap Magkatabi man ay 'di makaharap Kung alam mo lang Ikaw ang tanging hangad Napapagod na ang pusong sumugal Sa tadhanang tamad Iniibig kang labis Pagbigyan aking nais Mundo ay limutin Damhin ang init ng yakap ko't halik Lumilipad ang isipan 'Di mapakali sa 'king nararamdaman Gustong lapitan at hawakan Nais kang mahalikan nang 'di kumukurap Kung alam mo lang Ikaw ang tanging hangad Napapagod na ang pusong sumugal Sa tadhanang tamad Iniibig kang labis Pagbigyan aking nais Mundo ay limutin Damhin ang init ng yakap ko't halik Kung alam mo lang Kung alam mo lang Kung alam mo lang Kung alam mo lang Gabi-gabing umiiyak Saksi ang buwan, aking tanyag Hanap ko'y kahulugan Sa aking nararamdaman Bakit pa kasi sa 'yo Naligaw ang puso ko? Kahit na anong gawin Hanap ko'y ikaw pa rin