Pilit na tinalikuran Ang nakaraang pinanggalingan Lumaban sa daloy ng karimlan Muling binuksan puso ko't isipan Nakita ka, akala ko Ikaw ang hudyat ng pagbabago 'Yun pala, wala ka sa tono Ang liriko'y hindi konektado Sa kantang ginawa at alay ko Lahat pa man ay nilaan sa iyo Nasanay na sa kalokohan Ngunit iba ka sa naranasan Tumatagos na sa kaibuturan Mistulang punyal dito sa kalooban Nakilala ka, akala ko Kasama ka sa habang-buhay ko 'Yun pala, wala ka sa tono Ang liriko'y hindi konektado Sa kantang ginawa at alay ko Lahat pa man ay nilaan sa iyo Tanggap ko na sa isip kong 'Di ko na malasahan ang pag-ibig mo Sa susunod, alam ko na Ang tulad mo'y binabalewala 'Yun pala, wala ka sa tono Ang liriko'y hindi konektado Sa kantang ginawa at alay ko Lahat pa man ay nilaan sa iyo Kaya pala hindi ka masaya Hindi ako ang gustong kasama Akala ko, ikaw na sa t'wina 'Yun pala, 'yun pala