Dati, hindi gan'to ang dati May nag-iba ba sa 'kin? Ano'ng nangyayari? Bakit 'pag ika'y lumalapit Para bang nang-aakit ang 'yong mga ngiti? Hindi ko maintindihan Lutang 'pag lagi kang nand'yan Pakiramdam, gumagaan Gustong sundan kahit saan Giliw, ikaw ay mayro'ng lihim Ano ba'ng pinakain mo sa akin? Teka, ako ba'y ginayuma Kaya kapag wala ka, hindi na masaya? Laging ikaw ang hinahanap Kanluran o silangan, ako'y nakaabang, ooh Parang hindi buo ang araw 'Pag 'di ko nasilayan ang iyong mukha Ang tinig mo ay musika Ang titig mo'y parang tula Mundo'y lumiliwanag 'Pag pangalan ko'y sambit mo na Giliw, palagi ka sa isip Pati sa panaginip, ika'y nakikita Teka, ako ba'y ginayuma Kaya 'di nagsasawa basta kapiling ka? Wala na yatang tigil 'tong kahibangan ko sa iyo Ako'y nababaliw sa 'yo Giliw, ikaw ay mayro'ng lihim Ano ba'ng pinakain mo sa akin? Teka, ako ba'y ginayuma Kaya kapag wala ka, hindi na masaya?