Di ko malaman kung paano alagaan Ang damdamin kong maselan Nagbago na ng pananaw, Darating din ang araw, Pero di alam kung kailan Parang panaginip lang, Ika'y sumama kagabi, Kamay ko ay hinawakan Init ng kape, walang sinabi Sa init ng tayo'y magyakapan (yakapan, ooh) Bakit ngayon lang kita nahagkan, Ang 'yong labing tunay na ligaya? Bakit ngayon lang kita namasdan, Ang 'yong ngiting naghatid ng saya? Di ko matantsa Pero kay tagal nang umaasang Ikaw ay makapiling Kay buti ng tadhana, Pinalad kagabi, mapagbigyan ang hiling Gusto kong balik-balikan Ang iyong halik na sintamis ng kalawakan Pero kahit di maulit, salamat na rin Sa dulot mong kaligayahan (kaligayahan) Bakit ngayon lang kita nahagkan, Ang 'yong labing tunay na ligaya? Bakit ngayon lang kita namasdan, Ang 'yong ngiting naghatid ng saya? Ngayon pang huli na ang lahat, May may-ari na ng buhay mo, oh May katapusan ba Ang nararamdaman kong ito? Bakit ngayon lang kita nahagkan, Ang 'yong labing tunay na ligaya? Bakit ngayon lang kita namasdan, Ang 'yong ngiting naghatid ng saya? May katapusan ba Ang nararamdaman kong ito? May pag-asa ba akong Umahon sa pagkatuliro? May katapusan ba Ang nararamdaman kong ito? May pag-asa ba akong Umahon sa pagkatuliro? May katapusan ba Ang nararamdaman kong ito? May pag-asa ba akong Umahon sa pagkatuliro? May katapusan ba Ang nararamdaman kong ito?