Out of place don't take me out of my space get a taste Out of place don't take me out of my space get a taste Sumisigaw ang lalamunan wag ninyo akong hawakan Kasi di ko kasalanan abutin ang kalawakan Ang mundo ay iiwanan pansamantala man lamang At nananawagan sa kaduluhan nitong lansangan Halika na't subukan halikan at subuan Tikman ang kalayaan pero wag mabubulunan Sa kapangyarihan at sa pangako ng walang hangganan Ng katotohanan ipamulat ng sunod-sunuran At biglang umapaw bituin at bulalakaw Mga tala sa bintanang dumaraan at siyang humahataw Walang dilim na sumasapaw at Patuloy ang angat nitong liwanag na lumutang at nangingibabawaw Mga minutong ninanakaw at dumudulas lumalabas kumakalas Sa ingay niyong lumalakas pero sa taas paligid ko'y tumatahimik Huwag niyo kong tanggalin sa panaginip Itaas ang mga pakpak abutin natin ang mga ulap Sa pikit ng mga mata nangyayari ang pagka-bulag Out of place don't take me out of my space get a taste Out of place don't take me out of my space get a taste Nakikipagbulungan sa sarili kung tulungan ang sarado sa kalaban at Wag niyo kong tutulungan magkapitbahay tayo sa presinto at sa rehas Pero dito sa taas lahat malaya at pare-parehas Walang sikip walang sakal walang dehado Baklas ang mga kadena at basag ang mga kandado Mga utak na sarado ay bukas sa pagsiwalat Tanggal sa mga balikat ang bigat na binubuhat Hindi nila makuha na wala itong katulad at Pag di nila nakuha ang lahat ay nagugulat Sinira sa isipan ng madla ang kalawakan Ng akala ng marami dapat na kong pagbawalan Hawakan, labanan, pigilan, talian Tingin nila sa akin ay baliw na nasapian Kailangan daw tulungan at kailangan manahimik Pakiusap wag mo kong tanggalin sa panaginip Itaas ang mga pakpak abutin natin ang mga ulap Sa pikit ng mga mata nangyayari ang pagka-bulag Out of place don't take me out of my space get a taste Out of place don't take me out of my space get a taste Sakalawakan ako'y inyong iwanan Pakawalan na natin ang trabaho na pinagsawaan Sakalawakan ako'y inyong iwanan Bitawan ang bagahe ng nakaraang pinagdaanan Sakalawakan ako'y inyong iwanan Ito ang pagkakataong kugasan ang kalawang Sakalawakan ako'y inyong iwanan Hanggang maabot ang kotohanan Sakalawakan