Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo Kung sinu-sinong mangangatay ang kalaban dito Nakaabang sa may timbangan ng por kilo-kilo Mata-ta-ta-ta-ta-talim ang mga salita Na kung sabihin ay palihim na tumataga Pinatingin lahat ng kawal dun sa kaliwa Habang kumalat ang dilim nila sa kabila Mga aninong sa papel pumiling lumagay Palipat-lipat ng kamay walang makasabay Panay sa bala't pangalan lang sumasakay Kaya't tuloy ang hanapbuhay ng mga pilay Mga aninong nasa sulok lang nagtatago Sa ulo at sa isip natin ay naglalaro Nililibang ang mga bata at naglalako Ng mga pangakong inakala nating totoo Kaya to-todo na ako ang hari ng liwanag Mulat-mata at umiilaw ng walang patawad Malayang init ng hatid at may walong kagawad Walong espadang bumabaga sa bilog na palad Ako ang kataas-taasang di matitibag Dala ang ilaw sa gitna nitong puting dilag At masisilaw ang dilim hindi na papalag Mga aninong humahatak sa aking paglipad Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah Ako ang araw ng bagong umaga Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo Kanino tayo kumakapit ang tanong ko dito Walang espasyo ang umaga sa pumaparito Mata-ta-ta-ta-ta-tamis na mga salita Inaalipin sa pabitin ang maralita Pinatikim lahat ng ngipin at mga mata Kaya sumiping sa dilim ang pagtingin nila Mga aninong nasa gilid lang gumagalaw Hindi makita-kita ng mga tumatanaw Sa mga utak tumutulak at sumasabaw Kaya tuloy ang kayod nating mga kalabaw Mga aninong kumakapit at sumusunod Panay ang lapit sumasabit at umuugod Silang mabagal puro angal at nanonood Kahit di gabi lahat ng kulay ay nilulunod Kaya nandito na akong may hatid-liwanag Bukas ang palad umiilaw ng walang patawad May bagong tapang at may laban na handang ibayad Hanggang hamunin ng pag-hangin ng itim na dagat Ako ang kataas-taasang di malalaglag Tuloy-tuloy ang alab at wala nang sasalag At matutunaw ang dilim hindi na papalag Mga aninong sumusubok at sumasagad Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah Ako ang araw ng bagong umaga, yah yah Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah Ako ang araw ng bagong umaga, ah ah (Ako ang araw ng bagong umaga) Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo (Ako ang araw ng bagong umaga) Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo (Ako ang araw ng bagong umaga) Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Sa mga gilid sumisilip at ume-estilo (Ako ang araw ng bagong umaga) Na-na-na-na-nakapaligid ang mga anino Pasikot-sikot sa pag-ikot at nakakahilo Ako ang araw ng bagong umaga