Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag dumapo na sa lupa ang bakas nitong tunog Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag sumabog ang mundo, kami ang unang nagsunog ♪ Mula sa mga ulap bababa at nanggugulat Ang kidlat na parang sugat sa balat nilang makunat Sabay sunod itong tunog ng giyerang gumugulong Pampagising sa mga nananaginip na marunong Dumadagundong, lumalakas sa bawat hulog At tagos hanggang buto ng mga ulong natutulog Hindi pa rin bumangon Manhid sa mga alon Walang pake basta sariling lang ang inaahon Naiwan sa kahapon at hindi na umabante Umaasa sa wala, panay reklamo ng maarte Hanggang mabulag sa mga basurang nasa kalye E, wala nang mangyayari kung pikit ka lang palagi Puro kumportable, puwes, kami ang bubulabog At magpapasabog ng lakas, walang alam na pagod Hagod ang tunog sa mga utak na sarado Mga makunat at barado, aalugin ng pagbabago Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag dumapo na sa lupa ang bakas nitong tunog Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag sumabog ang apoy, kami ang unang nagsunog Ito ang babayo sa nagbabalatkayo Magkakalat nitong lagim sa mga peke at bano Walang hatid sa entablado, mga may-ari daw kuno Pero 'pag hawak ang mikropono, sa akin ang mundo Tawagin ang delubyo, tropa, dito lang kayo Wawasakin natin ang gabi sa ingay at gulo Hamakin ang lahat 'pagkat sagad hanggang buto Ang mga titulong hiram ng mga idolong hilo Walang malilito sa mga talang may hiwaga Sa taas nakatingala, kaya lahat ay nakahilata Naghihintay biyaya Tamad sa pag-alaga Kaya ko pinababa ang mga dragon sa may hilaga Sunod-sunod sunog sabay kulog ang siyang tatama Walang makakatago 'pag tumawag ang kampana Nalilito silang mga nagbibilang ng tupa Umuupa lang sa buhay pero tulog ang inuna Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag dumapo na sa lupa ang bakas nitong tunog Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog Kaluluwa'y inaalog, utak kinakabog 'Pag sumabog ang apoy, kami ang unang nagsunog