Ayoko, ayoko nang umibig sa mundo Ayoko, ayoko nang bumangon, magtrabaho Ayoko, walang kwenta ang buhay kong ito Ayoko, kasi paulit-ulit ang gulo Ginugusto kasi may papatunay sa inyo Gusto, para ako naman ang iibigin mo Kelangan, lumaban at harapin kayo Kasi 'pag akoy sumuko anong kakainin ko? Ayoko na Pero bakit parang gusto ko pa? Ayoko na Pero bakit lumalaban pa ba? Sawa, sawa na ko sa buhay kong ito Trabaho, uuwi, matutulog, hay, nako Paikot-ikot lang naman kase ang ating buhay Bukas uulitin nanaman 'gat mamatay Sa'n na ba tutungo ang buhay kong ito? Eto, humihinga at lumalaban sa mundo Basta't kasama si mahal, tuloy ang aking buhay Pero 'di to mangyari kasi nga may hanap-buhay ♪ Ang hirap ng mabuhay dito sa mundong ibabaw Kasi halimaw sa loob kalaban araw-araw Pero mabuti kaibigan, hindi mo ko iniwanan Kasi kung ako'y iniwan, siguradong nabawian Paulit-ulit, paikot-ikot, parang binilog na kulangot sabay pinahid Kinabukasan bilog ulit sabay kahig Ganito ba ang buhay kung pangarap ay hindi mo makamit Oh, Diyos ko, salamat sa lahat kasi 'andyan ka Hindi mo ko iniwan kahit puro kasalanan Salamat, patawad sa lahat ng nagawa Ayoko na, pero ginugusto kasi ito'y kailangan Ayoko na Pero bakit parang gusto ko pa? Ayoko na Pero bakit lumalaban pa ba? Bakit ganito ang buhay? Bakit kelangan mo pang may patunayan para respetuhin ng tao? May pinanganak ng marangya at may pinanganak ng mahirap May binuong magandang anyo, pero mala-impyerno ang puso May nagawang mabuti pero tila nangingibabaw pa rin ang kasamaan Na minsan ang pagsilang sa mundong ito'y isang malaking kasalanan Na araw-araw mong pagbabayaran para lang manatili dito? Pero kung iisipin mo na maging isa ang isip ng tao Sobrang saya siguro ng mundo, na pag-ibig na lang ang bayad At pagmamahal 'yung sukli, wala nang mag-aaway at magkakasakit Wala nang maiinggit at magagalit, wala nang makakataas at bababa Kaya kung isa ka man sa nagsasawa na sa mundo Malay mo sa 'yo magsimula ang pagbabago, kaya putang ina, lumaban ka Ayoko na Pero bakit parang gusto ko pa? Ayoko na Pero bakit lumalaban pa ba? Ayoko na Pero bakit parang gusto ko pa? Ayoko na Pero putang ina kahit olats, lalaban pa