Iisa ang utak, iisa ang puso Iba-iba ang kilos at ginagawa ng tao Lahat umiiyak, lahat nakikiuso Lahat nag-iisip sa buhay kung ano ang plano Kung mayro'ng mabait, mayro'ng masama May buhay mapait at mayro'ng maginhawa Pero 'wag niyong limutin kung sino'ng naglikha Kasi 'pag nadedo ay do'n din ang punta Pa'no naging tama mali mo sa iba? Mali ba ng iba ay pa'no naging tama? At kung iisa ang patungo na ito Baliktarin mo man, do'n din naman ang tungo Lahat pwedeng magbago 'pag tumibok ang puso Pero 'pag 'to'y nabasag, mahirap mabuo Ingatan ang sarili, 'wag basta pagamit Hanapin niyo lang ang kulay ng buhay Iba't ibang ugali, iba't iba ang kulay Iba't ibang paninindigan Iba't ibang paniniwala at pinangalingan Ba't 'di na lang magkaisa? Pare-parehong tao, iba't iba ang gusto Kahit gan'to, iisa lang ang layunin sa mundo Ang maging masaya (ang maging masaya) At hanapin ang tunay na layunin ng puso Tayo ang bida sa istorya na ito May kontra man na engot diyan sa paligid mo Laging tatandaan na gulpi man bida sa istorya Ending, bida pa rin ang panalo sa takilya Pero minsan sa buhay, tayo ang kontrabida At kontrabida ang bida sa kanyang istorya Pare-parehong tao, pare-parehong kuwento Pero bandang huli ay mamatay din tayo Pareho ang buto, parehas ng itsura Pero iba-iba ang hugis at hulma Lalake, babae, tomboy at bakla Basta mahalaga ay magmahalan tayo ♪ Iba't ibang ugali, iba't iba ang kulay Iba't ibang paninindigan Iba't ibang paniniwala at pinangalingan Ba't 'di na lang magkaisa? Pare-parehong tao, iba't iba ang gusto Kahit gan'to, iisa lang ang layunin sa mundo Ang maging masaya (ang maging masaya) At hanapin ang tunay na layunin ng puso